First day, first hell.
The day's shit. What should I expect anyway? My dear twin nga pala ang malas.
Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero ayoko talaga ang aura ng mga tao rito sa paligid ko. Tsk! Imagine, daig pa ang magnet kung makatingin sa akin. Hello? Ako lang 'to. Campus crush ang peg? Este, diring-diri? Kabago-bago ko pa lang dito sa impyerneskool, mukhang magkakaroon na naman ako ng kaaway. Mabuti na lang talaga at maraming gwapitongs — hindi na rin masama.
Pinalipat ako ni Dad para makaiwas sa gulo, pero talagang hindi ako tinatantanan. Kahit saan ako magpunta, parang may nakabuntot na problema. Minsan nga naiisip ko nang wala nang saysay ang buhay ko. Ugh, gross! Hell no! But seriously, I’m cursed. If I let these bullies get away with their crap, I’ll be the one who gets crushed, right? I’m not stupid enough to let anyone screw me over. They don’t mean shit to my life, so why should I let them walk all over me? And if those nasty bitches in front of me don’t stop with their sneers and gossip, I swear, I’m this close to ripping their throat out.
Mabuti na lang talaga at class dismissed na. Habang nagliligpit ako ng mga gamit kong palamuti lang para masabing estudyante ako, bigla akong hinampas ng mahina sa balikat ng katabi ko.
"Hoy, sis! Ano 'yon? Kilala mo ba yung hinaharot mo kanina pa?" tanong sa akin ni Filla. We're not close, sadyang sinalo lang niya ang pagiging feeling close. I don't know her either; I just know her name dahil sa recitation kanina.
Kumunot ang noo ko.
Habang tinititigan ko ang mukha niya, bigla akong nakaramdam ng awa. My God! Her braces make her lips stick out like a duck’s, kaya tuloy lumalaki ang nguso niya. Yung damit niya, halatang galing pa sa sinaunang panahon, and her shoes—she looks really broke. Pero habang tinitignan ko ang mga mata niya, may nakikita akong ganda na nakatago sa likod ng pagiging nerd niya.
So, these kinds of people still exist, huh?
"Girl, hindi ka pipi. Sumagot ka kaya? Para mo naman akong tinotorture ng husga sa way of stare mo."
Mabuti alam mo?
"Huy! Hanu na?"
"Huh? Si Jiro, malamang," takang tanong ko
"Gaga! Oo nga pero apo 'yon ni Don Greg. Lolo niya itong may-ari ng Westville High. Bakit mo ginawa iyon? Hindi ka ba natatakot?" sabi niya.
Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang walang abiso. Pakshet!
Dahil sa nalaman ko, parang tinuliro ng sampung batingaw ang tainga ko.
"Dinga? A-apo?"
Biglang kumunot ang noo ko nang biglang marealize ang isang bagay. Hindi naman dapat ako matakot, 'di ba? Pakielam ko sa nilalang na gaya nila? Hindi naman nakakamatay ang ginawa ko para gano'n nalang ka OA ang maging reaksiyon.
"Oo nga. Lagot ka kay Fiore kapag nalaman n'ya 'yon."
"Bakit? Nangangain ba 'yon ng tao?" taas kilay kong tanong.
Matapos kasi ng first subject namin kanina ay... well, hinarot ko lang naman si Jiro, ang lalaking kumwestiyon sa introduction ko kaninang umaga. Wala eh, masyado kasing pabibo kaya napansin ko siya. Hindi naman sa na-love at first sight ako, pero ang lakas kasi ng dating niya. Kaya ngayon, halos lahat ng babae rito sa cafeteria ay tila makakabangga ko pa. Malay ko bang apo pala siya ng may-ari at sikat dito. Tsk! I didn't even know na uso pala ang crushing at campus heartthrob dito. Mga Jejemons... parang sa bagay na iyon lang ay kagagalitan nila ako? Pero putcha! Ang babaw. Paano na lang kung makarating na naman sa pamilya ko na ginawa ko 'yon, edi baka mas lalong maghuramentado ang mga butsi nila?
BINABASA MO ANG
Trading Hearts: STRAND SERIES #2
Teen FictionHilla Villaroel, a senior high school student, is the strong-willed and rebellious daughter of one of the country's most prominent businessmen. Unbeknownst to others, she's grappling with asymptomatic stage 4 cancer and sooner learned that she has o...