Chapter 2

7 1 0
                                    

"I'm sorry Miss Severino if this happened to you." sabi ni OIC Padua, nagpakilala ito kanina at nalaman ko din na magka-batch sila ng kuya ko.

"As much as I want to talk to you more po, I really have to go." kasabay nun ay ang pagtigil ng sasakyan namin sa harap. Pagkatapos magpaalam ay dali-dali akong sumakay sa backseat.


And for the nth time, I looked at my watch. 


1:20pm


--

"Sasama po ako sa station. Promise po makakaabot pa ko sa exam." Tinignan kong muli ang suot na relo at nakitang twelve thirty two na.


Nandito pa rin kami sa highway, pinagilid muna namin ang sasakyan para di maka-istorbo kung may dadaan man. Mabuti na lang din at may malaking puno at di ako gaanong naiinitan. May nag-abot ng water bottle sa harap ko. Tinignan ko muna ito bago nilingon kung sino ang nag-abot. The new guy. 

"No, thanks" masungit na pagtataboy ko dito. Patagal ng patagal ay umiinit na ang ulo ko. Kaya sa mga oras nato kahit sinong kakausap o lalapit sakin ay masusungitan ko talaga.

"With that kind of attitude, I doubt who's really telling the truth now" taas kilay nitong sabi sabay bukas nung mineral water at sya nalang ang uminom.

"And with that kind of judgement, I think mabilis ka lang mauto." sagot ko dito.

"Ah ma'am, bente minutos na lang po bago mag aala-una. Mas mabuti pang mauna nalang po kayo. Marunong naman na kayong mag-drive di po ba?" sabat na sabi ni kuyan Teban.

Right after I turned eighteen,  kinulit ko si dad na turuan akong magdrive. He only agreed after I promised him not to drive until I reach college. May driver's license na rin ako.

"Are you sure po? I promised you earlier na sasamahan po kita." kahit naman nagmamadali ay hindi ko pa rin maiiwasan na mag-alala baka kung anong gawan sakanya ng mga to.

"Ayos lang ma'am! Importante ay makaalis ka. Paparating na naman po yung mga pulis, sa kanila nalang ho ako sasakay--"

"Hindi ka pwedeng umalis" sabat na naman nitong isa. Hinarap ko naman kaagad ito.

"At bakit?"

"The police might need your car as an evidence."

"But I really have to go now, you see.. I have an important matter to attend to." desperada kong sabi

"Then leave your car here." 

"Are kidding me?! Nasa highway tayo, sa tingin mo ba may taxi na dadaan dito?"

"Book a grab" nakapamewang nitong sagot. I pulled my phone out of my pocket and tried looking for a grab.

Meron akong nakita pero thirty minutes away pa! Late nako nun. Pinakita ko sakanya ang phone para maniwala siya.

"Look! It says thirty minutes away! I won't be able to get there on time. I promise, I will go to the station once I'm done" sinubukan ko pang makipag ariglo dito. Ngunit iling lamang ang kanyang sinagot.

"Hoy walang aalis! Hindi nyo pa kami nababayaran!" bakit ba ang daming sabat ng sabat ngayon?!


Magsasalita pa sana ako nang dumating na din ang patrol car. Sinabihan kami nito na mag convoy na lang, yung dalawang mag-asawa ay ayaw munang pumunta sa ospital kaya pinasakay muna sa patrol car. Kami naman ni kuya Teban ay nasa likod, habang yung lalaki ay nasa likod naman namin nakasunod. Five minutes lang ay nasa police station na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Praise of ImperfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon