CHAPTER I

21 10 9
                                    

[Coffee Shop: Wednesday 12:37 PM Noontime]

"6, 6,400 plus 300, so in total meron na akong 6,700 pesos." wika ni Aluna habang inilalagay ang pera sa kanyang pangalawang pitaka na para lamang sa kanyang mga ipon.

"Magkano ba kasi talaga ang kailangan mo? Ilang araw ka nang twice a day na lang kumakain. Ayusin mo desisyon mo, nana." nag-aalalang tanong ni Mikha.

"Twice a day is not bad pa rin naman eh. Yung iba nga diyan naka OMAD eh. Healthy parin naman." sagot ni Aluna.

"Di ka sure! May iba din diyang nasa ilalim na ng lupa." sagot ni Mikha.

"Hoy! Hahaha! May makarinig sayo." natatawang sagot ni Aluna.

"Sinisigurado ko lang na nasa tamang pag-iisip ka pa. Ayusin mo yan nana!" sagot ni Mikha na tila hindi natutuwa sa ginagawa ng kaibigan. "So paano yan? Are you willing to sacrifice yung pagiging coffee lover mo? Kasi as far as I know.."

Hindi pa natapos magsalita si Mikha ay nilapitan na sila ng isa sa mga server ng coffee shop kung nasaan sila ngayon at iniabot ang bill nila.

"Thank you po!" sagot ni Aluna habang tinatangap ang bill na mabilis namang kinuha ni Mikha.

"Ito na nga." sambit ni Mikha habang binabasa ang bill. "Nakagasto tayo ngayon ng... 780 pesos, ngayon lang to ha? 280 pesos sa kape mo palang plus.. plus... 270 pesos sa cheesecake slice na yan. 230 yung sa akin. So itong... wait mahina ako sa math... so itong 550 pesos, pasok ba ito sa budget mo?" pahabol na tanong ni Mikha.

"Pasok yan for today's video. Hahaha! Pero actually nagpa-plano na akong maghanap ng budget friendly na coffee shop. Ayoko namang mabuhay na walang kape. Nakakalungkot yun." sagot ni Aluna na tila nagpapa-cute sa kaibigan.

"Ewan ko sayo!" sagot ni Mikha kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

"May alam ka ba dito na budget friendly na mga coffee shop? Kasi I think this is the last time na pupunta ako dito para hindi na ako ma-tempt in buying coffee in this price range. Haha." tanong ni Aluna. "At siguro yung at least malapit sa workplace natin, kasi ito 5 minutes na minsan 10 minutes ang biyahe lalo na kung traffic."

"Ewan ko lang ha? Wala naman kasi akong makita na coffee shop malapit sa atin. Try mo maghanap ng mga coffee booth. So far yan lang ang alam ko na nag o-offer ng mga budget friendly coffees." sagot ni Mikha.

"Ay oo nga! Alam mo ang talino mo!" paghangang sagot ni Aluna.

"Duh!" sagot ni Mikha at sabay nagtawanan ang magkaibigan.

"Tita, yung apron ko na itim nakita mo ba?" tanong ni Kai.

"Yung itim? Diba sabi mo ginupit mo para gawing basahan kasi hindi masyadong ma itim?" sagot ng tita ni Kai.

"Hindi yun! May bago kasi ako na order." sagot ni Kai habang iniisip niya kung saan niya nailagay. "Ay teka!" pasigaw na sambit ni Kai habang nagmamadaling umakyat sa pangalawang palapag ng kanilang bahay. "Eto na!" pagsigaw ni Kai mula sa taas.

"Hay naku bata ka, bumaba kana dito at kainin mo muna itong niluto ko bago ka umalis." sagot ng tita niya.

"Ito oh! Ta da!" pagmamalaki ni Kai habang ipinapakita ang suot niyang apron. "Ganda nuh? Premium talaga tingnan ang itim." wika nito habang umaaksyon na gumagawa ng kape. "What's your order maam? Espresso? Double shot? Coming right up po! Hahaha!" pagpapatawa nito.

Napangiti ang tita niya habang tinitingnan siya. "Ewan ko sayong bata ka. Hahaha. Kahit naman kasi apron, alam kong kaya mong dalhin kasi magaling ka pumorma. Kain na." wika nito.

Snowball Flowers: A StoryWhere stories live. Discover now