CHAPTER VI

13 9 5
                                    

[Luxury Manor Hotel | 9:03 AM | Thursday]

"Hoy! Kakarating ko lang nakatunganga kana diyan." pag-gambala ni Mikha kay Malcom na tila di umiimik at parang malalim ang iniisip.

"Kulang na kasi pera ko. Iniisip ko kung saan ko nagamit. Parang na magic kasi." sagot ni Malcom.

"Eh baka kung ano-ano binibili mo. Next time kasi matuto kang mag budget. Wag waldas ng waldas." sagot ni Mikha.

"Eh pinabarya ko lang naman yung 1k ko, biglang naging 200 pesos nalang." nalulungkot na sagot ni Malcom.

"Ito." iniabot ni Mikha kay Malcom ang kapiraso ng kanyang kinakaing siopao.

Hinawi ni Malcom ang kanyang buhok na parang babaeng kinikilig.

"Salamat Miks!" sagot ni Malcom.

"Umayos ka nga! Sit properly doggy! Sit!" pabirong sabi ni Mikha.

"Arf! Arf!" pabiro namang sagot ni Malcom.

Habang nagbibiruan ang dalawa ay siya namang pagdating ni Aluna. Napansin naman ni Mikha ang mga inaantok na mata nito.

"Oi nana! Nakatulog ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mikha.

"Medyo. Late na kasi kami nakauwi kagabi." sagot ni Aluna.

"Sunod sunod na yang mga lakad niyo ah? Saan ba kayo nagpunta?" tanong ni Mikha.

"Sa GG (Gourmet Garden) ulit kagabi, kaso medyo napahaba ang kwento namin ng mama niya." sagot ni Aluna na agad naghanap ng upuan upang magpahinga.

"Kamusta naman si guy? Sayang di namin siya nakita in person." wika ni Mikha.

"Okay lang naman. Pero di ko alam, sobrang plain niya. A gentleman indeed, kaso parang I don't sense any adventure sa kanya." sagot ni Aluna.

"So boring ganun?" tanong ulit ni Mikha.

"Ganun na nga." sagot ni Aluna.

"Nag sugarcoat ka pa. Haha!" wika ni Mikha.

"Basta ganun na yun. Oi pahinga muna ako ha? Pa cover muna ako ng mga task ko. Please miks?" wika ni Aluna.

"O'sige. Ako na bahala. Doon ka lang muna sa 7th floor total wala namang function ngayon don." sagot ni Mikha.

"Thank you so much Miks! Labyo!" sagot ni Aluna.

Habang abala sa si Mikha at Malcom sa pag-aayos ng mga lamesa at upuan para sa isang darating na event sa Hotel ay siya naman ang pagdating ng kanilang Manager at papunta sa direksyon ng elevator.

"Magandang umaga peers." pagbati ng kanilang Manager.

"Magandang umaga po sir!" pagbati naman ng dalawa.

Napansin ng kanilang Manager na puting tela ang ibinabalot ni Malcom sa mga mesa.

"Suggestion ba ng mga attendee ang white cloth sa mga tables?" tanong ng kanilang Manager.

"Wala naman po silang suggestion sir." sagot ni Malcom.

"Totoo ba? Kasi sa pagkakaalam ko ay gusto nila ng jade green motif." wika ng kanilang Manager.

"Palitan po natin sir?" tanong ni Mikha.

"Hmm. I-combine nalang siguro natin, since nasimulan naman ni Malcom ang iba, the rest gawin nalang nating jade green, para di naman sayang yung pagkaka-design ni Malcom." sagot ng kanilang Manager.

Snowball Flowers: A StoryWhere stories live. Discover now