[Road to Mang Terso's old Townhouse | 8:47 AM | Calle Esperanza, Manilara, 1105 | Friday]
Masayang binabaybay ng apat ang daan patungo sa surpresa ni Kai para kay Aluna. Angkas ni Kai si Aluna at si Mikha naman kay Malcom. Mangha na mangha si Mikha, Aluna at Malcom sa mga tanawing dinadaanan nila.
"Woooohooooo!!" sigaw ni Malcom.
"Good morning world!" sigaw naman ni Mikha.
"Paano mo ba nadi-discover ang mga daanan na'to?" tanong ni Aluna kay Kai.
"Di ko nga din alam eh. Parang dinadala nalang ng mundo ang mga paa at mata ko dito." sagot ni Kai.
Tinitigan ni Aluna si Kai at masaya sa ginagawa ni Kai lalo na at alam na nito ang pinagdaanan ni Kai.
"I'm happy for you Kai!" wika ni Aluna.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Kai.
"Wala lang. Happy lang ako kasi you are finally taking steps sa kung anoman ang mga new goals mo." wika ni Aluna.
"Well, bucket list ko na to eh." sagot ni Kai.
Biglang nag vibrate ang phone ni Aluna. Tiningnan niya ito at nakita niyang tumatawag sa kanya ang lalaking nanliligaw sa kanya. Hinayaan nalang ni Aluna ang tawag at ibinalik sa bulsa ang cellphone.
Nakita naman ni Malcom na madadaanan niya ang isang puno ng Yellow bell na lumalagpas na sa daan kung kaya't nung madaanan niya ito ay pinilit niyang makapitas ng isang bulaklak.
"Oi! Ano yung kinuha mo?" tanong ni Mikha.
"Ito oh." sagot ni Malcom habang iniaabot ang bulaklak ng isang Yellow Bell kay Mikha.
Hinawakan lang muna ni Mikha ang bulaklak sapagkat di naman niya ito mailalagay sa tenga niya dahil sa suot nitong helmet.
"Alam mo napapansin ko, panay ang bigay mo ng mga bagay ngayon sa akin. Yesterday you gave me a stuff toy, kagabi naman ikaw ang nagbayad sa food ko and now a flower." wika ni Mikha.
Kinabahan si Malcom sa sinabi ni Mikha dahil sa tingin niya nagiging halata na masyado ang kanyang ginagawa. Ngunit nabunutan siya ng tinik ng malamang iba naman pala ang pagkakaintindi ni Mikha.
"Wag mong sabihing magpapaalam ka ha? Aalis ka ba?" tanong ni Mikha.
"Ay di naman. Appreciation nga lang yan. Ikaw naman oh." sagot ni Malcom habang kino-contain ang tuwa sa kaloob-looban.
"Bago tayo pumunta sa surpresa ko, may dadaanan muna tayo." wika ni Kai kay Aluna.
Suminyas si Kai kay Malcom na sundan siya nito.
"Ano yun?" tanong ni Mikha.
"Pinapasunod ako ni Kai." sagot ni Malcom.
"Bakit daw?" tanong ni Mikha.
"Di ko nga alam eh. Sundan nalang natin." sagot naman ni Malcom.
Sinundan ni Malcom si Kai sa daanan na parang lumalayo sa main highway. Nang tumigil si Kai ay dito nakita ni Mikha, Aluna at Malcom ang isang maliit na coffee shop. Nakatayo ito sa tila parang isang tagong lokasyon.
"What the! May coffee shop sa lugar na'to? Eh parang sasadyain mo talaga na puntahan to dito ah." wika ni Malcom.
"Kaya nga, kasi parang di mo siya makikita sa main highway." wika naman ni Aluna.
"Kaya nga the best siya eh." sagot ni Kai.
"Wait. Paano sila nakakakuha ng customers dito?" tanong ni Mikha.
YOU ARE READING
Snowball Flowers: A Story
RomanceThe initial volume of my own series: Ballads of the Tormented ••• In reality, you really can't change someone, all you can do is love them. This i...