Chapter 17

16 6 1
                                    

Blue Jayson's POV

Napatingin ako sa malaking cake. Nasa bakeshop ako ngayon. Gustong gusto ni Sky ang strawberry cake, kaya bumili ako ng mas malaki. Sky and Princess are special to me.

"Hon, Bibili lang ako ng bouquet." Tinuro si Ocean ang mga bulaklak. Masaya ako para kay Ocean and Sky, natanggap narin ni Ocean si Sky.

"Sure Hon." I smiled

I was about to go on Jewelry shop pero napatingin ako sa lalaking biglang pumasok. Nagtama agad ang aming mga mata. Alson Curpoz? Ano ang ginagawa niya dito?

"Hi Blue. Andito karin pala." Bati niya sa akin. Masama parin ang loob ko sa kaniya, pinaglalaruan niya lang si Sky, at hindi ako papayag na masaktan si Sky. Tutuparin ko parin ang promise ko kay Tita, na hindi ko pabayaan si Sky at Princess. Walang alam si Sky tungkol sa nangyari sa Mama niya.

"Oww Hello Alson. Kamusta si Sky?" I asked him. Napangisi naman siya sa akin.

"She's safe. How's Ocean?" Mas lalo siyang napangisi sa akin at napasulyap kay Ocean. Hindi talaga siya marunong makontento sa Isa.

"Mind your own girlfriend. I am warning you, kapag saktan mo si Sky, mawawala rin ang pangalan mo dito sa mundo." I said coldly. Binayaran ko na ang cake at tinalikuran si Alson.

"Oww dude, I am scared." Sarcastic niyang sabi.

Hindi ko na siya pinansin baka masuntok ko pa siya dito. Ginagamit niya lang si Sky para asarin ako. I know him, lahat ng pinapakita niya ay parang totoo, magaling siyang manloko ng tao. As long as girlfriend niya si Sky, hindi ako mapalagay.

"Honey magugustuhan kaya to ni Sky? Lavender." Ngiti niya.

"Gustong gusto niya yan." I smiled

Birthday ngayon ni Sky, and we're going to surprise her.

------

Sky Celine's POV

Nasa opisina ako ngayon ni Alson. Matapos niyang sabihin sa dati niyang secretary na turuan ako ng mga dapat gagawin ay umalis narin siya agad. Hindi naman ako makafucos sa ginagawa ko dahil nasa iniisip ko naman kung saan siya nagpunta? Kung may kasama naman ba siyang babae? Gosh! Ano ba pakialam ko? Damn! Nagseselos na ba ako?!

"Ma'am Sky, seryosohin mo naman ang trabaho." Sabi ng babae. Muntik ko na siyang mairapan. Ang laswa kasi niya manamit, Isa rin kaya siya sa mga babae na nakama na ni Alson? Gosh! Bakit nga ba ako naiinis?

"Sky nalang. Di ako sanay kung masyadong formal." Sabi ko

"Ah ganon. Then call me Ma'am Pennie, college graduate ako. I'm professional." Mayabang na sabi niya.

"Sure, I'm just senior high student. Girlfriend ako ni Alson." Ngisi ko

"Ikaw pala ang girlfriend ni Al, pang ilan ka ba na naikama niya?" Ngisi niya. Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya kaya't napairap ako.

"Ikaw, pang ilan?" Malamig na tanong ko

"Well, hindi sa pagmamayabang pero ako ang nauna. Kababata kami ni Al, I know a lot about him, and I really liked him. No'ng na broken hearted siya kay Ocean ay nakipag one night stand siya sakin kinagabihan, I have a proof, gusto mo bang makita?" Ngisi niya. Bakit ang sakit? Shit! Nasasaktan ba naman ako sa harap ng babaeng ito.

"Ah ganon ba? W-Wala naman akong pakialam kung sino ka pa, at kahit ikaw pa ang nauna, ang mahalaga ay sa akin ngayon si Alson." Ngiti ko. Natawa ako sa kaniya dahil seneryoso niya talaga ang sinabi ko. Well, hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya.

Falling for the Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon