Chapter 28

6 3 0
                                    

Sky Celine's POV

2 weeks had been passed. Nakauwi na rin kami dito sa bahay sa kwarter kasama ang Yaya ni Alli.

Habang nasa Mansyon pala kami nila Blue ay pinagawa niya rin ang aming bahay rito. Maliit lamang pero sementado. Dalawang kwarto, merong Kitchen, Dining area, at Bathroom. Parang ang yaman tingnan kahit maliit lang. Ilang construction workers ba ang gumawa nito ng matapos agad sa loob ng dalawang linggo?

Nandito parin ang tuwa sa aking dibdib kasi nakasama ko kahit saglit ang totoo kong Ama. Sapat na sa akin ‘yon kahit na hindi ako magpakilala at hindi niya makilala.

"Ate ang ganda talaga ang new house natin!" Namangha parin na sabi ni Princess. Kakarating niya lang galing sa school. Mas nauna lang ako ng ilang minuto. Kakarating ko lang rin kasi galing sa School.

"Mag bihis kana Be." Utos ko

Nasa loob yata ng kwarto si Manang kasama si Alli. Nagtungo na ako ng kwarto, nadatnan kong hinihili ni Manang Tres si Alli. Si Manang Tres, yung naging Yaya rin ni Princess dati no'ng nasa hospital pa siya.

"Sky nandito kana pala?" Ngiti niya. Napangiti naman ako bago kinuha si Alli. Ang cute cute talaga ng baby ko. Hinalikan ko ang dalawang matambok na pisngi ni Alli.

"Miss na miss ko siya." Ngiti ko

"Halata naman sayo Sky. Maiwan ko muna kayo, ako nalang ang magluluto." Paalam ni Manang Tres. Parang Ina narin ang trato ko kay Manang Tres, nakasama narin namin siya ng ilang araw doon pa lang sa Masyon nila Blue. Saka sa hospital noon.

"Sige Manang."

"Ang baby ko. How's my Alli? Meron ka na bang teeth?" Ngiti ko habang sinisilip kung may ngipin na siya.

"Wahah, andwa---" Ang cute ng baby talk niya

Kinuhanan ko naman siya ng video at pictures saka sinend kay Ocean. Kanina niya pa kinakamusta si Baby Alli eh.

Pinadede ko muna si Alli habang nag e-FB. Stinalk ko si Alson, ganon parin naka lock ang account. Stinalk ko naman si Katrina, nag friend request pala siya sa akin. Inaccept ko naman. Ang dami niyang post ng mga pictures doon palang sa Germany.

"A night to remember"

Caption niya sa picture nila ni Alson. Nakahiga sa kama, habang mahimbing ang tulog ng lalaki. Shit ang sakit.

"Baby, Mahal ko parin ang Daddy mo. Gustong gusto ko na siya makasama, at ipakilala ka rin sa kaniya." Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha. Damn it, I am crying again.

In-off ko nalang at cp ko. Tamang tama naman at pumasok na si Manang Tres.

"Manang Ikaw na muna ang bahala kay Alli. Maghahanap lang po ako ng trabaho." Sabi ko sa kaniya.

"Sky naman, pagod ka pa sa pag aaral mo, mag tatrabaho ka pa? Pahinga ka nalang Hija." Nag aalalang sabi niya. Nailing na lamang ako't napangiti ng unti.

"Manang kilala mo ako. Ayaw ko ng princess treatment sa akin ni Blue. Kaya ko rin naman magtrabaho saka andiyan ka naman, panatag ang loob ko na iwanan sayo si Alli." Seryoso kong sabi. Kapag gusto ko, wala na roong magagawa si Manang. Napabuntong hininga na lamang siya at sinang-ayonan ako.

Naligo na ako, at nagbihis. Nagsuot lang ako ng oversized na T-shirt at pantalon. Nagpaalam na ako kay Princess at Manang.

Heto na naman, gagawin ko parin ang responsibilidad ko bilang Ina ni Alli at Ate ni Princess. Magtatrabaho ako para sa pamilya ko. Bahala na kung magalit si Blue.

Falling for the Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon