#2

167 6 0
                                    

Kinabukasan pagkapasok ko sa university, I immediately told my friends about the keychain I received yesterday.

“So kanino nga galing 'yan?” nagtatakang tanong sa 'kin ni Gicel matapos kong ipinakita sa kanila yung keychain at yung sticky note.

“I don't know. Pero may name ko, so I'm sure it's for me. I don't know who gave it.” I answered

“OMG! Arianna, what if you have a secret admirer? Gosh!” Elly's happy reaction made me shrug my shoulders.

“I just don't know,” I said. “By the way, where is Beverly? Isn't she coming here?” dugtong ko pa na tanong.

“Mamayang hapon pa yata siya makikipagkita sa atin. Ang alam ko kasi ay ngayon sila lilipat ni Jaxx sa bagong bahay nila.” sagot ni Gicel na nagpatango sa amin ni Elly.
          
I turned back and saw Belle there, ordering coffee.

“That's Jaxx's girlfriend, right?” I pointed out Belle to my friends.

“Yeah, siya nga. Si Belle, na kilala sa pagiging mabait at matulungin. Pssh! As if naman na totoo na gano'n talaga siya. For sure nasa loob din ang kulo niyan.” pagmamataray na lintanya ni Elly.

“But infairness to Belle, because she has never been issued. If we hear anything about her, it's almost all praise.”

“I still don't like her,” Elly said again.                                           
                                                                       
                                                                                                                                         
Beverly's POV

“Wow! Ang ganda po. Ang presko rin ng hangin sa labas.” nakangiting puri ko dahil totoo naman na maganda talaga ang bahay.

“Mabuti naman at mukhang nagustuhan mo ito, hija.” nakangiting sambit ni Mommy Jessi, ang mommy ni Jaxx. I also smiled at her, and then I looked at Jaxx, who had a serious look on his face.

“Maraming kuwarto ang bahay na ito. Pero lahat ay ni-lock na namin maliban lamang sa isa.” Napatingin kami ni Jaxx kay Daddy Kent, ang daddy ni Jaxx.

“What? Dad, bakit naman isa lang ang hindi naka-lock? Ibig niyo bang sabihin ako lang doon sa kuwarto tapos itong si Beverly ang dito sa sala?” Nilingon ko si Jaxx at pinanlakihan ko siya ng mata pero dinilaan lang niya ako.

“No, Jaxx. You and Beverly will sleep in the same room. There is only one long sofa here in the living room and two chairs in the kitchen.” sagot ni Daddy na nagpagulat sa amin ni Jaxx pero kaagad din akong napangiti. Mas maganda nga kung gano'n.

"What the?"

"Thank you so much po Daddy Kent, you're my favorite na talaga" yinakap ko kaagad si daddy

"You're always welcome, hija"

“Gusto kasi namin na mas makilala niyo pa ang isa't-isa. Baka kasi kapag bukas lahat ng kuwarto at kumpleto lahat ng gamit baka hindi kayo magpansinan. Ganito rin kasi ang gusto ng lola mo Jaxx” nakangiting saad ni Mommy Jessi.

“Anak, marunong ka naman sa gawaing bahay kaya dapat hindi ka tatamad-tamad dito. Huwag mong pahiharapan si Jaxx dahil mabait na bata 'yan. Ikaw kasi puro katarantaduhan.” hindi ko alam kung nanay ko ba talaga ito o ano e. Grabe sa 'kin huh.

Love Me, Jaxx Alviano OcampoWhere stories live. Discover now