3... 2... 1
Napabalikwas ako sa hinihigaan nang maramdaman ang bills ng tibok ng puso ko. Shit. This ain't normal at ilang beses na itong nangyayari.
Nasa loob ako ng kwarto at nakahiga nang may kumatok sa pintuan.
"Kyoka, gising ka na ba?"
Hindi nga ako nagkakamali, ilang segundo lang ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Kyoka, gising ka na ba?" Si Dazai
"Hmm, maliligo na ako." Sabi ko at nagsimula ng ihanda ang susuotin para sa araw na ito.
Habang naliligo ay hindi ko mapigilang isipin kung paano ba nagsimula ang lahat. Bata pa lang ako ay alam ko ng may kakaiba sa akin. Hindi ako normal katulad ng ibang tao at hindi ko rin alam kung ako lang ba ang nag-iisa sa mundong ito na may ganitong klase ng pagkatao.
Pagkatapos maligo ay pumunta agad ako sa kusina at nadatnan ko pang nagluluto ng breakfast si Dazai.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" bungad na tanong nito nang makita ako sa kusina.
"Pwede na, wala namang pagbabago." sinimulan ko ng ayusin ang dining table namin, kumuha lang ako ng dalawang pinggan at mga kubyertos since dalawa lang naman kami dito sa bahay.
"Nag-aalala pa rin ako sayo, paano kung maulit ang nangyari kahapon?"
Hindi ko naman siya masisisi, parang kapatid na rin ang turingan namin. Yeah, we're not blood related but he's always there for me and supports our daily needs.
"Don't worry, hindi na yun mauulit. Thank you, Dazai ha."
Pagkatapos magluto ni Dazai ay tinulungan ko na siya sa mga niluto niya. Hotdogs, spam, and fried rice ang breakfast namin ngayon at nagtimpla na rin ako ng 3-in-1 coffee namin. Hindi makukumpleto ang araw kapag hindi kami nagkape.
Sinimulan na namin kumain. Hindi pa man ako nakakalahati sa kinakain ay nagsalita si Dazai.
"Kung mangyayari ulit ang nangyari sayo kahapon, ako na mismo ang magdedesisyon para sayo, okay? I'm still your acting guardian and I need to make sure na you're okay."
Tiningnan ko lang siya. Eto na naman kami, hindi ko mapigilang mainis. Hindi ako naiinis sa kanya, naiinis ako sa sarili ko. Kung naagapan ko lang sana ng mabilis ang nangyari kahapon, hindi na sana niya malalaman pa ang nararamdaman ko.
Pinagpatuloy ko ang pagkain at kahit na gutom pa ako, hindi ko na pinapatuloy ang pagkain. Tumayo na ako sa mesa at nilagay ang pinagkainan ko. Since si Dazai naman ang nagluto, ako na ang maghuhugas at maglilinis ng kusina. Ilang minuto pa ang lumipas nang natapos siyang kumain. Sinimulan ko na rin ang paghuhugas ng pinggan.
"Aalis na ako, Kyoka. Nag-iwan ako ng pera kung sakaling magutom ka at gusto mong magpa-deliver. Uuwi ako before 6pm."
Lumapit siya para bigyan ako ng halik sa noo habang naghuhugas pa rin ako ng pinggan. Umalis na rin siya pagkatapos at natapos ko na ang paghuhugas. Magwawalis na sana ako pero bigla ko ulit naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.
*Dugdug*Dug*Dugdug*
"Shit!" napahawak ako sa dibdib ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.
Nakikita ko si Dazai sa kanto at mukhang tatawid na. Tiningnan ko ang paligid at may isang kotse ang tumatakbo at gumegewang-gewang. Kung hindi ako nagkakamali, maaaring tamaan ng kotse si Dazai kung ipagpapatuloy niya ang pagtawid.
"Dazai!"
Kahit na hirap sa paghinga, tinakbo ko ang labas ng bahay para sundan si Dazai. Nararamdaman ko na rin ang butil ng pawis sa noo ko habang hawak ko pa rin ang dibdib ko. Tinahak ko ang daan kung saan ko siya nakita. Habang tumatakbo ay napatigil ako saglit dahil parang mawawalan na ako ng malay.
"Dazai!!"
Tinawag ko na ang pangalan niya nang makita ko siya na tatawid. Nakikita ko rin ang sasakyan na maaaring mahagip siya kaya kahit na nahihirapan na sa paghinga, sinubukan ko pa rin kunin ang atensyon niya.
"D-Dazai!!" huli na ang lahat dahil tuluyan ng umikot ang paligid at ang huli kong nakita at narinig ay ang mukha ni Dazai.
"Kyoka?"
YOU ARE READING
The Soothsayer
Fantasy3... 2... 1 soothsayer noun sooth·say·er : a person who predicts the future by magical, intuitive, or more rational means