Chapter 1

3 0 0
                                        

White. All I can see is white with a tingling sound. Saan ba ako? Wait, si Dazai!

"Gising na po pala kayo, ma'am. Ichcheck ko lang po vital signs niyo." nurse?

Tiningnan ko ng maigi ang paligid at nasa isang kwarto ako. Nasa hospital pala ako, pero nasaan si Dazai?

"Nurse? May kasama po ba ako rito?" tanong ko sa kaniya, nagbabasakaling sabihin nito sa akin kung nasaan ba si Dazai.

"Ah, opo. May inaayos lang pong papeles ninyo. Babalik po ako mamaya para i-check po ulit ang vital signs niyo." aniya at lumabas na ng kwarto ko.

Ano bang nangyari? Ang huli kong naalala ay tumakbo ako sa labas ng bahay para habulin si Dazai. Shit. Naaksidente ba si Dazai? Pero sino ang taong tinutukoy ng nurse kanina?

Dahil hindi na rin ako mapakali, sinubukan kong umalis sa hinihigaan ko. Nahirapan pa ako dahil nakakaramdam pa ako ng konting hilo pero tiniis ko. Kailangan kong malaman kung ligtas ba si Dazai. Hindi siya pwedeng mamatay dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Habang naka-suporta ang dingding ng kwartong ito, nakapaglakad ako hanggang sa pintuan. Pinihit ko ang doorknob at tumambad sa akin ang mga taong naka-hospital gown at mga nurse. May mga doctor din na sinusundan ang isang doctor, palagay ko ay mga residents sila. Hinanap ng mata ko ang nurse's station at may pigura ng lalaki akong nakikita.

Nahihirapan man ay naglakad ako palapit sa nurse's station. Suportado pa rin ako ng dingding kaya't hindi pa naman ako natutumba. Nakikita ko na ng malapitan ang likod ng lalaki at sigurado akong kilala ko kung sino ito. Hindi ko namalayan na uminit ang pisngi ko dahil sa luhang pumapatak na ngayon sa mata ko.

"D-Dazai?" tawag ko, hindi pa rin ako nililingon ng lalaki kaya ay nilakasan ko ng kaunti ang boses ko upang marinig niya ako.

"Dazai"

Ilang sandali pa ay lumingon sa pinanggalingan ko ang lalaki. Tama nga ako, it's Dazai. Nagulat siya nang makita akong nakatayo kaya atubili siyang lumapit sa akin at sinuportahan ang tayo ko sa paglagay ng braso nito sa bewang ko.

Dahil na rin siguro sa sobrang emotional ko, hindi ko napigilang mapayakap sa kaniya. Umiiyak na rin ako dahil sa sobrang pag-overthink ko kanina.

"Tahan na, Kyoka. Uuwi na tayo mamaya, huwag ka na umiyak." ani nito at niyakap na rin ako.

Inalalayan niya naman ako hanggang sa makarating kami sa kwarto kung saan ako galing. Andami kong gustong itanong pero feel ko ay nanghihina pa rin ako. Pagkarating sa kwarto ay dumiretso kami sa kama at pinahiga naman muna ako ni Dazai.

"Akala ko... Akala ko naaksidente ka na, Dazai." ani ko habang humihikbi. Hindi na ako umiiyak gaya kanina pero hindi ko naman mapigilan ang paghikbi.

"Hindi, tinawag mo ko, hindi ba? Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" tiningnan ko siya ng maigi sa kaniyang mga mata, sinusuri ko kung wala bang masakit sa kaniya. Baka mamaya ay nagsisinungaling lang pala 'to sa akin.

"I'm fine, Dazai. Bakit mo pa ako dinala rito? Ayos lang naman ako kahit na sa bahay mo nalang ako dinala." sabi ko habang inaayos niya ang pagkakalagay ng kumot sa katawan ko.

"Hindi ba sabi ko sayo na kung mauulit ang ganitong pangyayari ay ako ang magdedesisyon para sayo? Mas mabuti na ring mapatingin kita dahil baka may mas malalim pa palang dahilan kung bakit ka nahihimatay nalang bigla." hinahaplos naman nito ang buhok ko at hindi ko mapigilang mapapikit sa ginagawa nito.

Oo nga pala, hindi nito alam kung ano ba ang kaya kong gawin. Hindi ko kailanman sinabi sa kaniya dahil natatakot akong pandirihan nito ako or kamuhian dahil hindi ako katulad niya na normal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Soothsayer Where stories live. Discover now