Chapter 36 (Iyak)

44 1 0
                                    

Chapter 36: Iyak
 

Mindy's POV
  

Habang palinga-linga kaming tatlo ng kaibigan ko dito sa gym ay parang nakatingin sa'min ang mga estudyante dito.

“Mga chang, anong gusto niyong kainin? lebre ko.” unang beses na narinig namin kay Zen.
Alam naming kapos siya sa pera lalo na't may sakit ang mama niya.

“Ano ka ba okay lang kami, iponin mo nalang ang pera mo Zen ikaw nga dapat i-lebre namin.” saad ko pero parang natamlay ito.

“Cutting tayo ngayon. ” unang beses din na narinig namin sa kanya dahil minsan ako palagi ang nang aaya sa kanila.

Napatingin naman kami sa isa't isa ni Saye.
“Bakit?” sabay naming tanong.

“Bibisitahin natin si mama sa hospital, gusto ko siyang makita kong ayos lang ba siya.” bigla naman akong nakaramdam ng awa.

“Sige, i-etetext ko nalang asawa ko na magcucutting tayo.” tumango naman ang dalawa.

Tenixt ko na ang asawa ko at tumayo na kami para umalis.

Madaming estudyante ang nagbubulungan pero hindi namin alam kung ano dahil hindi naman naming maririnig.

Nang makalabas kami ng gym ay kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa'min ng asawa ko sa grocery store.

“Totoo ginawa mo 'yon?” tumango ako kay Zen.

“Wow ang galing naman ng chang namin. ” papuri din ni Saye.

“Kahit papaano may natutunan din ako sa asawa ko.”

Napansin ko naman ang suot ni Zen.
Mga ilang araw na kasi na palagi siyang nakajacket at nakapantalon.
Para bang gustong itago ang katawan niya at mukha lang ang makikita.

“Zen ba't parang napadalas na yata ang pagsusuot mo ng jacket? ang init init oh. ” napansin ko ang pagkamot niya sa ulo niya.

“Oo nga no, hindi ka ba naiinitang chang?”

“May pinopormahan kasi akong lalaki ang sabi niya gusto niya sa babaeng maputi kaya ito ako ngayon HAHAHAHAHA!” natawa naman kami pareho.

“Arte naman ng lalaking 'yon maputi ka rin naman ah HAHAHAH
ano 'yon gusto niya parang bondpaper ka puti HAHAHA.” saad naman ni Saye habang natatawa.

“Sino ba ang lalaking 'yon? pakilala mo naman sa'min. ”
tanong ko.

“Oo nga. ”

“Bukas nalang, ipakilala ko siya sa inyo.”

Nakalabas na rin kami ng campus at napalinga-linga.
“Mag motor nalang tayo. ” aya ni Saye.
Nauna siyang sumakay sunod ako at si Zen.

Masaya kaming tatlo habang nakatingin sa paligid.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa hospital.
  Bigla namang may tumawag sa cellphone ni Yen.

“Hello?”

“Po?”

Kitang kita namin ang pakatulala ni Yen at pag-agos ng luha niya.

“Anong nangyari Yen?” tanong ko.

“Si mama.”

“Si tita?” gulat naming sambit ni Saye at nagtinginan sa isa't isa.

Mabilis kaming iniwan ni Zen at pagtakbong pumasok sa hospital.
Napatakbo nalang din kami ni Saye habang nakasunod sa kanya.

Dinig na dinig namin ang iyak ni Zen sa loob kaya hindi na kami nagsayang ng oras na pumasok.
“Mama!!”

Nanlaki ang mata namin ng makita ang maraming dugo sa tiyan ng tita.

“Sorry miss pero hindi na kayo pwede dito. ”

“Mama!! huhuhu!” pati kami ni Saye ay naiiyak narin.
Paano na si Zen ngayon dahil mama niya nalang ang kamag-anak niya.
Pero handa naman kaming pauwiin siya sa bahay ni papa lalo na wala narin naman ako do'n.

Mabilis naming kinuha si Zen.
Nang makalabas kami ay tudo tudo ang iyak niya.

“Zen shhh tahan na Zen magiging ma-ayos ka rin.” pagpapakalma ko.

“Zen bakit parang sinaksak si tita sa tiyan? may nakaaway ba siya?” mas lalong napahagulgol si Zen kaya sininyasan ko si Saye na h'wag na magtanong.

“Sa bahay ka nalang ni papa tumira para may kasama ka Zen, alam kong may masamang taong nagtangkang patayin si tita pero h'wag kang mag-alala mahuhuli din siya o sila ng pulis.

Niyakap ko si Zen at humagulgol parin ito ng iyak sa balikat ko, habang si Saye ay hinahaplos ang likod niya.

“H'wag kang mag-alala nandito kami ni Saye, nandito lang kami para sayo.”

“Malalampasan mo rin ang sakit na nararamdaman mo.”

“Hindi ko 'to malalampasan dahil lagi ko 'tong maalala Huhuhu!”

“Shh lagi mong tandaan na nandito lang kami, hindi ka nag-iisa hindi ka namin iiwan.”

“Gusto kong patayin ang pumatay kay mama.”

“Zen mali 'yan hayaan mo na ang pulis nadumakip at kumulong.”

Napatingin naman ako kay Saye na tahimik lang naumiiyak.
Pinipigilan ko lang umiyak dahil gusto kong i-comfort si Zen ayukong makita niya na umiiyak ako habang pinapagaan ang loob niya.

“Ayos na ako.” nagtinginan naman kami ni Saye.
Tumayo si Zen na parang walang nangyari, pinunasan niya rin ang luha niya.

“Zen.” tumayo ito at pagtakbong umalis kaya wala kaming magawa ni Saye kundi ang sundan siya.

Kinuha niya ang motor ni Saye kaya hindi ko alam kung saan siya pupunta.
“Saan siya pupunta?” tanong ni Saye sa'kin kahit ako nga hindi ko alam.

“Ang mabuti pa sundan natin siya.” aya ko at hinila nalang siya papunta sa sasakyan.

“Bilis po manong paki-sundan 'yong babae na nakamotor. ” saad ko kay manong driver.

Teka bumalik siya.

“Wait h'wag nalang kuyang driver dito nalang po.” agad kaming lumabas ng sasakyan.

Patakbo na naman kaming bumalik pero hindi na namin naabotan si Zen dahil tumakbo naman siya papasok ulit sa hospital.

“Saan na naman siya pupunta?” tanong ni Saye.

“Hindi ko nga rin alam basta sundan lang natin siya.”

Halos nilibot na namin ang hospital sa kakahanap kay Zen.
Naiiyak narin ako dahil first time itong nangyari sa kanya.

“Teka kayo ba ang kaibigan ni Zensi?”
biglang nagtanong ang isang nurse.

“Pinaabot niya sa'kin 'to ibibigay ko raw sa inyo.” tinanggap ko naman ang cellphone at nagtataka kung bakit ibibigay sa'min ni Zen ang cellphone niya.

“May babae daw sa rooftop.”

“Anong ginagawa do'n. ”

Nanlaki ang mata ko sa narinig.

“Teka alam niyo ba kung ano suot ng babae?” tanong ko agad sa dalawang babaeng naguusap.

“Nakajacket siya na kulay dilaw. ” unti-unti ng hina ang tuhod ko.

Hindi pwede 'to.

“Saye, si Zen.”

“Nurse! may babaeng nahulog sa rooftop!” mas lalo akong nanlumo sa narinig.

“May babaeng nahulog sa rooftop!”



After class Mr. Mafia    [MS#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon