Chapter 23 (Panganib)

59 2 0
                                    


   Chapter 23: Panganib

 
Habang papasok palang ni Mindy sa gate ng paaralan ay may mga estudyante ng nagbubulungan tungkol sa kanya.

“Diba siya 'yong babaeng kasama ni Mr. Hot kahapon?”

“Oo nga siya 'yan. ”

“Nakakainggit naman. ”

“Sila na kaya?”

Bigla namang may umakbay sa balikat ni Mindy, mga kaibigan pala niya. “Sa subrang ganda ng kwento mo kagabi nakalimutan ko ng gumising kanina.” pabirong sabi ni Saye.

“Oo nga grabe na talaga ang kaibigan namin.” saad naman ni Saye.

“Ang dami mong fans at basher ngayon oh.” saad pa ni Saye.

“Hayaan niyo na sila.” saad naman ni Mindy at nagpatuloy sila sa paglalakad.

Pagkarating nila sa classroom nila ay sa kanila agad tumuon ang attention lalo na kay Mindy.

“Nandito na siya!” sigaw ng babae.

Pagkaupo palang ni Mindy ay agaran na nagsilapit ang mga kaklase nitong mga babae.

“Mindy kayo na ba ni Mr. Hot?”

“May namamagitan ba sa inyong dalawa ni Prof?”

“Mindy kayo na ba ni Prof?” napatakip naman ng tainga si Mindy paulit-ulit lang naman ang mga tanong nila.

“Tigilan niyo na nga ang kaibigan namin, oo sila na marites din kayo ih no.” saad naman ni Saye na kinatahimik nila. nagsibalikan sila sa mga pwesto nila at malungkot ang mukha.

“Okay lang 'yan guys madami pa namang kapatid si prof. ” saad ni Saye.

“Oo nga.”

“Pero mas pogi pag panganay.” sambit naman ni Saye, nagsi-hiyawan naman silang lahat sa loob habang si Mindy ay may ngiti sa labi habang inaalala ang nangyari kahapon.

“I love you baby. ”

“If you miss me baby, just call me baby. ”

“Don't be stress, just smile baby. ”

“Baby pupuntahan kita sa inyo pagnamimisa mo ako.”

Mga naalala niya na sinabi ni Hot na nakatatak na sa utak niya.

“GOOD MORNING MR. HOT!!!” nagulat naman ito at tumayo bigla, pero nagtawanan naman ang mga kaklase niya ng makita siyang tumayo.

“OYYY!”

“Hindi nakakatawa mga ul*l. ” saad naman ni Saye.

“Ang kj mo naman Saye. ” saad ng isa nilang kaklase pero tinarayan lang ito ni Saye.

Napatingin naman si Mindy sa cellphone niya ng mag vibrate ang cellphone niya.
Napakunot ang noo niya ng makita ang unknown number na nagtext sa kanya.

   [Hindi ako magtuturo ngayon sa inyo, pumunta ka sa gate susunduin ka ng mga katulong namin papunta dito sa bahay. your babe this.]

naudlot ang ngiti ni Mindy sa huling nabasa.

“Your babe this? babe na niya naman ba ako ngayon?” mahinang bulong ni Mindy sa sarili.

                                [Prof ikaw ba 'to?]

[Yes I'm this.]

Natawa naman si Mindy ng mahina dahil sa reply nito akala nito ay gusto lang siya pasayahin ni Hot kaya kung saan saan na pulot ang english nito.

Sa kabilang banda hindi naman talaga si Hot ang nagtext kundi ang hindi pamilyar na lalaki.
“Sira ulo! mali english mo t4nga!” saad ng isang lalaki sa kasama niya na may hawak na selpon.

“Ay mali ba pre?”

“Oo ayusin mo, kung ayaw mong mahalata ka.” napakamot batok naman ang lalaki.

                      [Sige papalabas na po ako]
     
“Hindi na kailangan pre, lalabas na daw siya. ” tumango naman ang kasama nito.

Habang si Mindy na man ay agaran na kinuha ang bag at tumayo.
“Hindi daw magtuturo si prof, mauna na akong umuwi pinapasundo ako eh.” paalam nito sa dalawang kaibigan niya.

“Sige ingat ka.” sabay na sambit ng dalawa.

“GUYS HINDI DAW MAGTUTURO SI PROF NGAYON!” paalam ni Saye na kinahiyawan ng mga kaklase nito habang si Mindy ay papasok na sa elevator,

“Eh sa hapon ba?”

“Ewan ko. ”

“HOY WAG KAYONG UMUWI MAY ATTENDANCE!” sigaw ng class president na si Mhia pero hindi naman nakinig ang iba lalo na ang mga pasaway na mga lalaki.

Sa kabilang banda nakalabas na sa gate si Mindy at hinahanap ang sundo na inaakala niya na si Hot talaga ang nagtext sa kanya.

Huminto ang isang itim na sasakyan at bumukas. “Ma'am halika na po. ” magalang na tawag ng dalawang lalaking lumabas sa sasakyan at inalalayan siyang pumasok sa loob.

Umandar na ang sasakyan at napangisi ang mga lalaki sa loob, lima silang lahat at walang kaalam-alam si
Mindy na dudukutin siya ng mga ito.

Malayong malayo na ang byahe nila na nagbigay pagtataka kay Mindy.
“Saan ba si prof? ang layo naman ata.”

“Sorry ma'am inutasan lang niya kami. ” tumango nalang si Mindy at hindi na nagduda pa.

Habang si Hot naman ay kakadating lang sa paaralan.
Pagpasok niya sa classroom nila ay hinanap agad ng mata niya si Mindy pero hindi niya ito nakita.

“Ay prof akala namin hindi ka magtuturo ngayon?”

“Oo nga prof umuwi na tuloy ang iba.”
seryoso pa rin ang mukha nito at napatingin sa dalawa, nandito naman ang dalawa pero ang girlfriend niya wala.

“Sino ba nagsabi nahindi ako magtuturo ngayon?”

“Si Mindy, prof.” halata na sa mukha nito ang pagtataka.

“Bakit niya sinabi?”

“Nagtext daw kayo sa kanya na hindi ka magtuturo. ” sagot naman ni Saye. mas lalo siyang nagduda dahil hindi naman si Mindy  sinungaling.

“Where is she?”

“Kanina pa lumabas pinapasundo mo daw siya. ” saad naman ni Zensi.

Agad namang lumabas si Hot at kinuha ang selpon niya para tawagan si Mindy pero hindi ito macontact dahil walang signal kung saan si Mindy.

“Damn!”

Paulit-ulit nitong tinawagan ang number ni Mindy hanggang sa nagkaruon na ng signal doon.

Napangiti naman si Mindy ng makita na tumawag si Hot at sinagot niya naman ito.

“Where are you baby?”

“Hindi ko alam eh ang layo na ng narating namin, saan ka ba?”

“In the school baby. ”

“Ba't ka nanjan? akala ko ba pinapasundo mo ako?”

Nagtinginan naman ang mga lalaki.
Agad nilang kinuha ang cellphone ni Mindy. “Ano ba katawag ko pa po ang boss niyo.”

“Hello? fvck! baby hello? what the fvck!” pagmumura ni Hot sa labas na dinig na dinig ng mga estudyante nito sa loob at nagtataka ang mga ito.

“Sorry ma'am bawal kasi gumamit ng selpon dito.” saad naman ng lalaki kay Mindy.

Agad na tinawagan ni Hot ang mga tauhan niya at piansuri ang cctv sa labas ng paaralan.

“Boss dinukot po si ma'am, natunton na po namin kung saan siya dinala.”
saad ni Laxun ang assistant niya.

“Hurry up, let's go. ”
agad na pinahurot ang sasakyan at may tatlong sasakyan pa itong nakasunod.

“If my baby hurts I will kill them all. ”

After class Mr. Mafia    [MS#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon