06

7 4 1
                                    

"So ano maam, itutuloy niyo paba ang reklamo?" tanong ng chief police.

"Yes, dapat kang managot dito kuya. This time hindi ka pwedeng tatakas sa kasalanan mo. Magbabayad ka sa ginawa mo kay Kaye!" galit pa rin si Tita.

Tinignan ko si Dad. Sobrang galit na ng kanyang tingin kay tita mukhang kulang nalang ay patayin niya ito sa tingin. Nanghihina na ang katawan ko at gusto ko ng magpahinga.

"Tita, pagod na po ako. Wala na po akong lakas." pagharap sakin ni Tita ay nagulat siya dahil sa nakita niya.

"Jusko, namumutla ka kaye. Tsaka ang lamig-lamig mo. Gusto mo na bang umuwi?" nag-aalalang tanong ni tita.

I just nodded kasi hindi na ako makapagsalita ewan ko ba bakit nanghihina ako.

Tatayo na sana ako nang biglang naitim lahat ang pananaw ko.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Natalie na nakaupo sa gilid ng kama at pagharap ko sa kaliwa ay nakita ko si Nathan na nakatayo.

Ano bang nangyari? Nasaan ba ako ngayon? Hospital?

"Oh gising kana kaye." nilapitan kaagad ako ni Nathan.

Nilagay niya ang kamay niya sa noo ko upang e check ang temperature ng aking katawan. "Are you okay?" tanong niya.

"Oo okay ako. And why are your here?" nagtatakang tanong ko.

"Pinapunta ako dito ni Natalie, utos daw ng tita mo."

Para saan eh andito naman si Natalie para magbantay sakin. Tsaka paano naman naisip ni tita na si Nathan ang papupuntahin dito? ewan ko ba

"Naku, naabala kapa. Andito naman si Natalie kaya pwede kanang umalis."

"Ahm sis sorry. Kaya siya pinapunta dito kasi I have a class later, walang magbabantay sayo." bungad ni Natalie.

"Nasaan pala si tita?"

"Nandoon sa korte, nag-uusap tungkol sa kaso mo. Oh sige na mali-late na ako." sabi niya at umalis.

So magsasampa talaga ng kaso si tita? Grabe naman, mukhang hindi ko kaya na makulong si Dad because of me. Kailangan kong pigilan si tita, ayaw kong makulong si Dad baka mas lalong magagalit si Mom saken.

"Nathan, take me in the police station please." pagmamakaawa ko kay nathan.

"What? Why? Hindi ka pwedeng lumabas, you're still injured. Ako ang mapapagalitan."

"Please nathan, I need to stop tita. Ayokong makulong si Dad, Ayoko." umiiyak na naman ako.

"Hindi pa naman siya makukulong kaye, we'll just have to wait kung ano talaga ang mangyayari. Pero for now hindi ka pa pwedeng lumabas. Please hear me out."

"O-Okay fine, just give me my phone and I'll call tita." inabot niya sakin ang phone ko at nagsimula na akong mag contact kay tita.

"Hello tita?"

Tita: "Yes kaye, okay kana ba? mabuti naman at gising kana. stay ka muna dyan okay?"

"Tita please, pumunta ka muna dito."

Tita: "Why? I have a lot things to do kaye."

"Please tita, I need to talk to you right now."

Tita: "Okay, I'll be there. Just wait."

call ended.


"Kaye, hindi naman sa nangingi-alam ako pero bakit mo ica-cancel ang reklamo eh nabugbog ka nga oh, marami kang pasa."

My Escape PersonWhere stories live. Discover now