POETRY
Ang luha na sa aking mga mata ay unti-unting kumakawala.
Ang luha na sa aking puso sya ang dumudurog.
Hindi ko alam kung paano ako babangon, dahil ang sakit ng kahapon, nandito sa puso ko nakabaon.
Sabi ko nung una, madali lang to.
Baka sa pagtulog ko, at sa paggising kinabukasan, wala ka na sa isip ko. Pero hindi pala, hindi ito parang pagbangon ko sa umaga, nariyan ang umagahan nakahain na. Hindi ito parang cellphone na kapag nalowbatt, ichacharge lang.
Hindi ito parang exam na kapag wala kang papel, meron ka namang kaibigan na mahihingan.
Ito pala, ito pala ay ang paglalakbay ko sa sarili kong daan na kailangan kong tahakin ng mag-isa.
Ito pala ay ang paglakad ko palayo mula sa aking nakaraan na wala ng lingunan at wala nang bawian. Ito ay ang paglimot ko sa sakit na naidulot mo.
Na kahit anong sigaw ng puso ko na "mahal kita!", patuloy kong pakikinggan ang utak ko na masasaktan lang ako sa piling mo.
At sa bawat umaga na gigising ako, unti-unti na kitang aalisin sa buhay ko. Oo nandun yung galit at sakit, pero kalilimutan ang galit at dadamhin ang sakit. Yung sakit na hindi ko alam kung paano ikukubli ng bawat mga ngiti. Yung sakit na syang dahilan ng bawat pagtulo ng luha.
At yung sakit na nadarama sa bawat paghinga.
Pero kahit anong tindi ng pait at pighati, ako ay patuloy na ngingiti ng matamis. Yung kasing tamis noong una mong pagsulyap na syang simula ng ating pag-ibig. Na pati ang aking mata ay kumikislap sa tuwa.
Ngunit ang ngiting ito, hindi na ang salitang "tayo" ang dahilan. Dahil ang ngiting ito ay ang pagsulyap ko sa bagong umaga ng mag-isa.
Salamat, salamat sa pagmamahal, sa oras na iyong ibinigay, sa yakap na mahigpit at bawat matatamis na halik. Salamat sa lahat ng iyong mga alaala na mananatili na lamang sa'king memorya. Salamat sa luha na ngayon ay natutuyo na.
Salamat sa sugat at kirot na unti-unting naghihilom.
Salamat sa relasyon na ngayon ay natapos na.
Patawad naman kung tayo ay nagkasakitan.
Kung ikaw ay nasaktan sa bawat salita na aking nabitawan,
Patawad sa bawat kasalanan na sa iyo ay nagawa ko.
At ito, ito ang huling salitang bibitawan
Paalam sa'yo, paalam sa lahat ng ala-ala, malungkot man o masaya. Paalam ako ay tatakbo na at tatakas sa sakit ng nadarama.
Tatakbo ng mabilis upang ang sakit sa puso, ay mapalitan ng pagod at hapo. Paalam sa lahat ng ating pinagsamahan.
Ngunit sa pagtakbo ko palang ito ng mabilis at sa kagustuhang makatakas sa nakaraan. Hindi ko namalayan bilog nga pala ang ating mundo.
Kaya heto ako, anditi nanaman sa likod mo.
At ang salitang paalam ay napalitan ng "kamusta ka na mahal ko?".
BINABASA MO ANG
Random Short Stories (OLD)
De TodoThe stories here are my old stories from 2020 that I posted on my old RP account. You can still search for it if you want to. Some are Stories, Some are Poetries. ENJOY READING,,
