I DONT UNDERSTAND [REVISED]

13K 650 10
                                    

Posted: September 11,2015.

[Done editing: April 03,2018]
-
Chapter 18: I don't understand.

Fray's POV.

Nauna ng lumabas si Sis Friseyn, hihi kinikilig ako sa love team nila. Sana muling mabuksan ang puso ni sis Friseyn para umibig ng iba, hindi na Alien, tao na hihi.

"Bye Fray, mauna na ko sayo. Alam mo namang mabilis magpalit ng mood yung kutong lupa kong amu-amuhan"pagpapaalam ni Sis Fraince saakin, natawa naman ako pero agad ding tumango.

"Okay take care Sis"nakangiting ani ko dito, tumango naman sya at nagmadaling iniwan ako.

Malakalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan ko na ding pumasok. Naglalakad na ko ngayon papasok ng school.
Maaga pa naman kaya nagtungo muna ko ng park ng school.

Umupo ako sa isang bench dun at biglang sumagi sa isip ko ang pag uusap namin ni Mike dito, hindi ko alam pero kusa kong naisip yung pagtulak nya ng duyan na nakikita ko ngayon, napangiti ako agad sa naisip.

"Hi"

Napaharap ako sa nagsalita at bahagyang nagulat ng makita si Mike at nakangiti ito saakin ngayon. Hindi ko din maiwasang hindi ngumiti sa kanya, napakagwapo nya sa paningin ko. Ano ba tong nararamdaman mo? Hays. Matapos ng sunod sunod nilang pagtatanggol saamin, hindi ko alam pero ang palagay na ng loob ko sa taong to. Siguro gusto ko lang talaga syang maging kaibigan. No wonder he is friend material.

Ningitian ko lang sya at nag baling ng tingen sa swing. Naramdaman ko namang umupo sya sa tabi ko.

"Snob? Haha"He Chuckled. That's why i face him. Nakatingin ito saakin kaya hindi ko maiwasang maconcious sa mukha ko. Alam kong panget ako sa paningin ng lahat, pero ngayon lang ako naconcious sa itsura ko habang nakasuot ng disguise. Nag iba agad ako ng tingen at binuklat ang libro kanina ko pa binabasa. Hindi nya naman ako inistorbo kaya ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa.

"Ano bang yang binabasa mo?"Tanong nya maya maya.

Nagulat naman ako ng magsalita ito pero sinagot ko din ang tanong nya.

"Alien World"nakangiting sagot ko. Tama kayo, binabasa ko ang librong to ngayon base sa perspective ng ibang tao. Ang author nito ay si Mc.kliopa and he is a human, nagtataka kasi ako kung pano sya nagkaron ng access sa mga alien.

"Naniniwala ka sa alien?"gulat na tanong nito.

Tiniklop ko naman ang Libro ko at tumingin sa malayo bago sya sagutin.

"Oo dahil isa din ako sa kanila"

"Yeah i belive in those creature"sagot ko sa kanya."You should also believe in Alien, kasi naniniwala akong nag eexist din sila, malay mo nasa tabi mo na pala ang isa sa kanila"makahulugan kong sabi pero tumawa lang ito.

"So Alien ka?"tanong nito sa natatawang paraan.

"What if oo?"tanong ko sa seryosong boses pero tumawa lang sya.

"Hahaha you're really funny, but i don't believe in alien, they are monster"sagot nito saakin. Saglit akong natigilan sa sagot nya at nakaramdam ng kirot sa dibdib. Why am i feeling this?

"K-kung yan ang paniniwala mo, susuportahan nalang kita"ani ko dito at pilit itong ningitian.

Ngumiti din naman ito pero may sinabi itong hindi ko narinig.

The Four Nerds And The Campus Prince (COMPLETED) [Alien Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon