Chapter three

13 2 1
                                    

If I were to describe that specific moment in the coffee shop – I must say that it was love at first sight. Dati-rati, hindi naman ako naniniwala sa ganoong klaseng feeling pero iba pala talaga kapag ikaw mismo ang nakaranas. I was enchanted the way he smiles na hindi ko maalis sa aking isipan, especially his beautiful brown and rounded eyes. Ewan ko ba pero parang nilalaro na rin ako ng utak ko kasi may nakikita akong mga heart shapes na lumilipad sa paligid and everything was so bright. All people here are blurry and this guy in front me... he was the only one who I can see clearly.

Bumalik ako sa tamang ulirat nang mag-snap si Maloi sa aking harapan. May pagtataka itong tumingin sa akin at kinuha ang isang tray na dala-dala ko.

"Anyare sa'yo te? Kanina ka pa namin tinatawag, para kang estatwa diyan na nabingi," sabi nito at siya na mismong nag-ayos ng mga pagkain namin sa table. Si Pat naman ay mabilis na inilabas ang phone pagkatapos ay umanggulo para picturan ang kaniyang in-order.

"T-teka, kanina lang nasa harapan ko si Mingyu. Nasaan na siya?" nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko na mahagilap 'yung lalaking nasa harapan ko lang kanina.

"Mingyu? Sinong Mingyu? 'Yung lalaki bang lumapit sa'yo a while ago?" Maloi responded and I was like a miniature in the car na dinaig pa ang sobrang pagtango.

"Ah iyon ba? Girl, kanina pang nakaalis. Na-awkward-an yata sa'yo kasi kanina niya pa inaabot sa'yo 'yung papel na nahulog pero wala ka namang imik. Why, you know him?" he asked.

Napabuntong-hininga na lamang ako at walang ganang umupo sa kanilang tabi. Ni hindi ko man lang nahingi 'yung name niya or nakapagpasalamat man lang. And then suddenly, bigla kong naalala 'yung suot niyang uniform. Napa-"Aha!" ako that made Maloi and Pat shocked.

"Guys, 'yung lalaki kanina, I suppose na nakita niyo naman siya, right? Did you notice the color of his collar? Any guess kung anong department siya?"

"Hmm, sa pagkakatanda ko red so it means engineering student siya. Gosh, I hate it when I say it but they're just a red flag to me," sagot ni Pat sabay umirap sa hangin.

"Wait, wait, wait..." Tumigil si Maloi sa kaniyang pagkain at tiningnan ako nang makahulugan. Naniningkit ang mga mata nito na waring may inaalam na gustong tumbukin.

"Bukambibig mo lagi 'yung guy kanina pa. Don't tell me... na-love at first sight ka siguro 'no kaya balak mong jowain?" Nanlaki ang mga mata ko at biglang pinamulahan. Umiwas pa ako ng tingin sa kanilang dalawa at nagkunwaring nasasarapan sa kinagat na tinapay.

"Hulaan ko, una mong nagustuhan 'yung mapuputi at pantay niyang ngipin 'no?" birida ni Maloi pagkatapos ay sinapawan ito ni Pat na para bang nasa Family Feud na nagbibigay ng mga bagay na naramdaman ko kanina.

"Pagkatapos 'yung labi niya na mala-strawberry sa pagkapula."

"Since nanggaling ka na sa labi, siyempre mano-notice mo 'yung bilugan at brown niyang mata."

"And finally, may nakikita ka nang heart shape sa paligid mo and itong si guy, naggo-glow sa paningin mo habang ang paligid ay malabo."

I was stunned at the moment dahil halos lahat ng kanilang sinabi ay totoo. Aakalain mong nakita rin nila 'yung mga nakita't naramdaman ko when I was daydreaming about this Mingyu-like guy. Napatango na lamang ako sa kanilang dalawa dahil magmumukha lang akong tanga kung ide-deny ko pa.

"Naku Joms, delikado ka. Kabilang ka na sa mahabang listahan na nahulog sa isang playboy," singit ni Pat habang ito'y umiiling. Tinapik-tapik pa niya ang aking likuran na parang mayroon akong pinagdaraanan. I was totally confuse sa kaniyang sinabi kaya pabalik ko siyang tinanong.

How come na 'yung mala-anghel niyang mukha at makalaglag-panty niyang ngiti ay isang playboy? He was nice pa nga dahil nakuha pa niyang pulutin 'yung nalaglag na papel and make an effort to return it.

"How come and how did you know na gusto ko siya?" may pagtataka kong tanong sa kanila.

"Jusko Joms, pang-two hundred ka na yata sa mga taong naka-experience ng ganiyang love syndrome. Totoo naman talagang guwapo si Marcus but don't get distracted with his physical appearance."

"Bakit naman?"

"A little advice to you, my friend. Hindi sa dini-discourage ka namin ni Pat na i-pursue mo 'yung nararamdaman mo para sa kaniya. It's just... he's not into us kasi first of all, straight siya at wala pa akong nababalitaan na may idinate siyang gay ever since. And also, paiba-iba siya ng girlfriend na akala mo may flavor of the month. Kaya Joms, pigilan mo 'yang nararamdaman ngayon pa lang para hindi ka magsisi sa huli," pangungumbinsi ni Maloi na kahit papaano ay nagpalungkot sa akin nang kaunti. I appreciate how he comforted me and I know that he spitting that facts para protektahan ang puso ko.

"Isa pa Joms, wala ka rin namang chance pati 'yung iba pang mga babae na nangangarap na maging boyfriend iyang si Marcus kasi may girlfriend na raw siya. Pero ito ang malala hah, mag-wa-one year na raw sila," ani Pat at sinabing nalaman lang daw niya iyon kasi may tropa raw ito sa engineering department.

I know na wala na akong kawala sa mga reasons na nalaman ko about Marcus. Pero siya lang kasi ang nakikita kong lalaki na kasing perfect ni Mingyu. Hindi naman basta-basta mabubura sa puso't isipan ko 'yung mga naramdaman ko kanina 'no. Ang kaso, hindi na siya available at suntok na lang talaga sa buwan na magkagusto siya sa isang katulad ko.

Don't get me wrong, confident naman ako sa sarili ko at naniniwala akong may hitsura rin naman ako kahit papaano. Malas nga lang dahil ang hitsurang ito ay hindi para kay Marcus. Siguro, iyon na 'yung mga signs na hindi kami para sa isa't isa kaya mabigat man sa dibdib, pipilitin kong alisin siya sa listahan ng mga pumasa para sa hinahanap kong boyfriend.

"Huwag ka nang mag-emote diyan, Joms. Marami pa namang iba diyan tulad ng sinabi mo kanina right? May makikita ka pang mas deserving at mas guwapo pa kay Marcus kagaya 'non oh," sabi ni Maloi sabay itinuro ang lalaking nagde-deliver ng yelo na kapapasok lang sa loob.

Hinayaan ko silang dalawa na tumawa matapos kong irapan ang mga ito and how I wish na pwedeng manakal ng kaibigan. Kahit papaano ay nawala sa isipan ko si Marcus dahil sa mga chismis na ibinabato sa akin ng dalawang ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Close DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon