1

800 36 1
                                    

Year 2023

STEVIE'S POV

URRGHHH Hindi ako makapag focus dahil sa lakas ng music sa kabilang Condo. Okay sana kung wala akong ginagawa ehh. Pero may kailangan akong tapusin.

Ako nga pala si Stevie Sevilleja. Solong anak nina mommy. Malamang alang alang solong anak ng hindi magulang.

Nakapag tapos bilang isang doktor. Dahil wala naman na kong ibang iniisip, kumuha ako ng maraming units. Kaya kahit bakasyon na ng iba ay nagaaral pa rin ako. Isa akong Hematologist, isang doktor na nangangalaga sa dugo. Basta about managing diseases that affect your blood, bone marrow and lymphatic system.

Hindi ko rin alam kung bakit ito ang nagustuhan kong kurso kahit na andami namang iba dyan. Basta bigla nalang pumasok sa isip ko noon na ito ang gusto ko.

Ang iba nag aaral ilang taon bago sila magiging ganap na isang doktor. Pero ako. Iba kami. Iisa ata ang layunin naming lima noon. Na maka graduate agad. Ang binabanggit kong apat pa ay ang mga naging kaedaran ko sa pinagtatrabauhan kong hospital. Ang isa doon ay anak pa ng may ari ng hospital na yon.

Sila ay sina Doc. Cathryn Kate or Doc Ck, Doc Maureen, Doc Gabrielle at Doc Althea.

Nang hindi ko na mapigilan pa ang aking pagkairita dahil sa sobrang ingay ng kapitbahay ko ay nagpasya ako na puntahan na sya. Baka kase nakakabulahaw na rin sya ng iba pang mga kapitbahay namin.

Dahil nakapajama na ko ay nagsuot nalang ako ng bathrobe at lumabas na ng condo.

Nag doorbell ako ng ilang ulit pero parang walang naririnig ang tao sa loob. Kaya ang ginawa ko ay sinunod sunod ko ng pindot ang doorbell nya. Bahala sya kung masira man yon oh hindi.

Maya maya naman ay nawala ang ingay sa loob. Nagsawa siguro sa doorbell na ginawa ko. Pagbukas ng pinto ay ang nakakunot na noong si Jade ang bumungad sa akin. Kitang kita rin ang pagkairita sa mukha nya, pero hindi ako nagpatinag.

"What!?" Tanong nya

Huminga muna ko ng malalim bago nagsalita

"Pwede bang pakihinaan ang volume ng music mo. May tinatapos akong trabaho at hindi ako makapagfocus dahil sa lakas ng soundtrip mo"

"Kaya nga soundtrip ehh. Bakit hindi ka umuwi sa inyo para makapag focus ka"

"At sumagot pa, pinahihinaan ko lang naman, hindi ko naman pinapapatay. Tyaka mahiya ka naman. Anong oras na ohh baka may mga nagpapahinga na."

"Edi umalis sila. I don't care. Dyan ka na nga"

"Isa Jaden. Kapag hindi mo hininaan yan isusumbong talaga kita kay tita"

"Nye nye nye, whatever" pahabol pang wika nya bago nya tuluyang sinara ang pinto at iniwan akong nakatayo sa labas niyon.

Yes sya po ang kapitbahay ko dito. Sa ilang taon namin dito sa condo, may ilan na nagreklamo na. Pero balewala lang sa kanya. Hindi rin naman sya mapaalis dahil kanya iyon ehhh at Ilag ang mga tao sa kanya dahil sa awra nya. Wala syang kinakausap na tao, iilan lang. Siguro bilang lang sa daliri ko kung ilan ang mga kinausap nya.

Buti nga ako kinakausap nya pa din ehh. Bigla nalang syang naging cold sa mga tao. Na pati parents nya hindi nya kinakausap. Kung kakausapin nya man ang mga ito ay pabalang pa.

Nang mag decide syang bumukod ay kinausap ako ni tita, na kung maaari ay sundan ko sya kung saan mang condo sya lilipat. Nag aalala na sina tita sa kanya. Alam kong may pinagdadaanan sya. At hanggang ngayon ay hindi ko matiyak kung anong dahilan, dahil hindi nya ko sinasagot sa tuwing tinatanong ko sya.

Ang hirap manghula, tinatanong ko naman din sina tita. Pero pati sila ay hindi alam kung anong dahilan. Ilang taon na ang nakakaraan. Hanggang ngayon pala isipan pa rin sa aming lahat ang kinikimkim nyang problema.

Convincing JadeWhere stories live. Discover now