28

279 10 2
                                    

STEVIE'S POV

Nang malaman ng Fans ni Jade ang tungkol sa sakit nya ay mas lalong bumuhos ang pagmamahal ng mga ito sa kanya.

Saksi ako dahil halos araw araw ay tumatawag sa amin ang management at pinapakuha ang dala ng Fans nya.

I really love Jaden. Sa bawat araw sinusubok kami ng tadhana. Yes nag ttake sya ng Chemo. Pero malakas kumalat ang Cancer sa buong katawan nya.

Pasalamat nalang talaga ako dahil nandyan ang mga kaibigan namin. Hindi nila kami iniwan at hindi sila umalis sa tabi namin.

Lagi din nila kaming iniintindi. Minsan madadatnan ko nalang sila sa condo at naglilinis. Yun pala ang purpose ni ate Thea kaya nya hiningi ang mga passcode ng mga condo namin.

May tiwala naman ako sa kanila. Minsan nga nahihiya pa ko kapag darating sila sa bahay at nag aayos ng naiwan naming kalat ni Jade tuwing umaga

Tulad nalang ngayon. Nandito kaming lahat sa Condo ni Jade. Walang trabaho bukas kaya naisipan nila na mag sleep over dito. Nood daw kami ng movie gaya ng ginagawa namin dati.

Nagluto sin Ck at Brielle ng makakain namin. Katulong si Dane. Habang sina ate Thea at ate Mauie naman ay nagtitingin ng owede naming panoorin mamaya.

Kami ni Jade? Heto naka upo lang. Ayaw nila kaming pakilusin na dalawa.

Kaya nood nood nalang kami sa kanila habang sila ay aligaga sa pagkilos.

"Kamusta kayo love birds?" Tanong pa ni Brielle ng mapagawi sya ng sala

"Inip na inip na. Bakit kase ayaw nyo kaming pakilusin?"

"Magpahinga lang kayo dyan" turan pa nito

"Kase naman. Pagod din kayo ohh. Kagagaling lang natin para pareho sa duty"

Bumalik si Brielle sa Hospital habang si Dane naman ay nag apply din sa VMH. Kaya nadagdagan ang dentista sa sa hospital.

Lalong umingay ang barkada dahil sa kanilang Dalawa. Parang sila ang nagbibigay kulay sa barkadahan. Si Jhairene nalang ang kulang. Sya nalang ang hinihintay ng lahat.

"Huwag nyo kaming isipin, saglit nalang yung niluluto namin. Then wede na tayong kumain. Umm Jaden dumekwat na nga rin pala si CK ng beer mo sa ref ahh? Hindi na nya mahintay ang mamaya ehh"

"Go lang. Wala naman na ding umiinom nyan. Chineck nyo ba kung hindi pa expired?"

"Hala Ck expired na pala yang iniinom mo" sigaw naman ni Brielle para marinig ni Ck sa kusina

"Huh? Expired? Parang hindi naman ganun pa rin naman ang lasa."

"Baka pa expired palang"

"Expired na daw" gustong gusto talagang inaasar ni Brielle si Ck. Napipindot kase si anger everytime na nag aasaran sila ehh. Pero hindi naman yun bini- big dealni Ck. Kumbaga sinasakyan nya lang ang trip ni Brielle or kung sino man ang nang aasar sa kanya.

"Buang. Hindi pa naman ahh. 2026 pa naka lagay dito"

"Joke lang pala hehe."

Naiiling nalang si Jade sa tabi ko dahil sa ingay ng buong bahay nya.

Nang matapos na silang ma set up lahat ay tinawag na nila kami para kumain. Pinagsaluhan namin ang niluto nilang Bicol Express, sisig at piritong Manok.

Alam namin na nagluluto si Ck. Dahil lagi syang taya kapag magkakasama kaming lima noon. Pero d ko alam na pati pala si Brielle nagluluto hahahah. Buraot kase to minsan ehhh.

"Jaden may banana ka ba dito?" Tanong ni Brielle habang kumakain

"Wala kase d naman ako monkey"

Muntikan ng masamid si Ck dahil sa sagot na yun ni Jade.

Convincing JadeWhere stories live. Discover now