#1- Goodbye Prince

4.4K 62 19
                                    


"O ba't parang maiiyak ka na diyan Joshua? May problema ka ba?" bati sa 'kin ni Ramon na kasama ko ngayong nagtatrabaho as Dishwasher dito sa kilalang Restaurant sa Eastwood. Part-time job ko ito para matugunan ang pag-aaral ko sa Kolehiyo na may Kursong Education.

"Yung kalamansi, tumalsik 'yung katas nang bahagya sa mata ko," palusot ko.

Halata bang napapaiyak na 'ko? Pinipilit kong huwag magdamdam pero parang kusa itong lumalabas mula sa kaloob-looban ko. Masama ang loob ko. Masakit para sa 'kin ang pag-isipan ka ng mga dati mong kaibigan at kaklase na isa nang ganap na 'Transgender' o lalaking nagpaopera bilang maging ganap na babae. Kung bakit ba naman kase naisipan nila akong i-add sa Group Facebook na ang pangala'y "Batch 2004-2008 Team Skalawags" para lang marinig sa kanila ang tsismis na matagal na pala nilang pinag-uusapan ever since napalayo ako sa kanila.

From Zamables ay napilitan akong manirahan ng Maynila at makitira sa aking Auntie upang maipagpatuloy ko lamang ang aking pag-aaral. Hindi naging madali ang pakikipagsapalaran ko sa Maynila kahit na isinisigaw ng puso ko'y dapat akong manatili sa Zambales para buo pa rin kaming magkakaklase pagtungtong ng kolehiyo. Hindi ko alam na ang pagkawala ko'y magbibigay daan para makabuo ako ng kakaibang galit sa kanila.

Hindi ako pumasok sa school maging sa aking trabaho kinabukasan. Medyo masama ang pakiramdam ko. Ginamit ko ang oras na 'yun para umupa ng computer na 20 pesos per hour. Hindi ako mahilig mag-internet ngunit nakakasilip ako minsan gamit ang aking Facebook account. Hindi ko pa naa-add nun ang mga Higshcool classmates ko kaya laking gulat ko nung isang araw nang makita ko ang friend requests galing sa kanila. Hindi ko nga lubos maisip na matutunton nila ang FB ko dahil sobrang pribado nito at tanging anim pa lamang ang mga friends ko, na mga magulang at mga kapatid ko.

"Nagpa-Sex change na raw si Joshua sabi ni Prince kaya hindi niyo na siya makikilala lol" post ni Domeng 2 weeks ago na umani ng 35 likes at 407 comments. Masakit sa 'kin nang makita ko ang post na ito nung isang araw. Instead na matuwa ako dahil biglang bumalik sa 'kin ang masasayang alaala mula nung Highschool ako, matinding galit ang naramdaman ko sa kanilang lahat.

Medyo kalmado na ako nang makita ko ito nang pangalawang beses. Masusi kong binasa ang mga komento nilang lahat at kahit na biro-biro pa ang iba sa mga 'yuy hindi ko napigilang maghinanakit dahil hindi naman talaga totoong nagpasex change ako. Ang mga huling komento galing sa iba kong mga kaklase'y tila pinagtatanggol ako na humihingi ng ibayong respeto dahil in-add na nila ako sa group FB.

Napakasakit talaga kahit hindi naman totoo. Nabasa ko rin ang PM ni Carolyn sa 'kin na si Prince, ang bestfriend ko, ang nagkalat ng mapanirang tsismis patungkol sa 'kin. Biglang bumalik sa 'kin ang mga araw na pinagsamahan naming dalawa ng matalik kong kaibigan.

Si Prince ay ang pinaka close ko nung Highschool. May maipagmamalaki siya in terms of looks department. Malakas ang appeal niya kahit hindi naman siya Boy Next Door type, at dahil sa appeal na 'yuy maraming nagkakagusto sa kanya. Aware naman ako nung Highschool na minsa'y napapansin kaming lagi na lang magkasama. 'Yung iba'y binibiro pa kaming may something pero kibit balikat lang kami dahil tinatrato na namin ang isa't isa na parang magkapatid. Kung siya'y biniyayaan ng appeal, ako nama'y biniyayaan ng brain kaya't ako lang naman ang sumasalba sa kanya during those quizzes and exams. Cheating Mate kami.

Naging magkaibigan kami hanggang fourth year. Nararamdaman ko nung mga panahong iyon na attracted ako sa kanya ngunit ikinukubli ko lamang ang paghangang 'yun dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Napakabait niya sa 'kin sa totoo lang kaya hirap akong sirain ang tiwalang binigay niya sa 'kin. Besprends porever kami.... hanggang sa maghiwalay ang landas namin after graduation.

Raven Jade's One Shots (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon