#2- Mr. Heartbreaker

2.9K 36 6
                                    

I broke a girl's heart again. Normally hindi naman ako nasasaktan ng masyado, but this time, meron akong guilt na nafi-feel sa loob ko. Eto kaseng si Chesna, she's so damn weird, eccentric and boring as hell. Para nga siyang nakatira sa ibang planeta 'coz we don't seem to connect. I decided to end our One Month relationship dahil sa ugali niyang 'yun.

Sa isang buwang pagsasama namin, hindi ko maikakailang siya talaga 'yung pinaka-dabest na naging girlfriend ko. Ewan ko rin ba sa sarili ko kung bakit ang dali kong magsawa sa babae. I thought having Chesna in my life will change everything on me. She's has a very beautiful face, flawless ang skin from head to toe with long and shiny hair, sobrang caring, maalalahanin and most of all, napaka appreciative. She always smiles tuwing magkikita kami. She's almost perfect pero napakaboring lang niya at walang ka-challenge challenge. Malayo siya sa mga past girlfriends ko na nacha-challenge ako, pero I end up din naman na hiwalayan sila. Hays, lahat ng klaseng babae na ata'y dumating na sa buhay ko. Sa edad kong bente uno, si Chesna ang pangdalawampu't tatlong naging kasintahan, o masasabing naging biktima ko?

She didn't say anything when I called it quits. Bagkus ay ngumiti lang siya at inilagay niya sa right ear ko ang black na earring na hugis bilog. I don't know kung anong pumasok sa isip niya at binigyan niya pa ko 'nun pero the earring seems cool kaya I let her na rin na isuot niya 'yun sa 'kin. Ang weird talaga niya, mantakin mong nakikipagbreak na 'ko sa kanya'y nakukuha pa niyang ngumiti. Okay lang daw na hiwalayan ko siya at naiintindihan niya naman raw pero tingin ko'y sinasabi lang niya 'yun to hide the pain na nararamdaman niya. Napaka wirdong babae.

"Kamusta na ang pinakagwapong lalaki sa planetang earth? Ang gwapo mo talaga Bro! Magkamukha naman tayo pero ba't ikaw lang ang biniyayaan ng malupit na kapogian ha?" pang-aasar sa 'kin ng kapatid ko habang ako nama'y nagreready para mag-jogging at makapagbasketball na rin sa labas. Ang suot ko'y puting sando at blue na shorts with green na rubber shoes.

"Siraulo!" pangiting hirit ko sa kanya.

"Ikaw talaga Damien. Ba't mo naisipang makipag-break kay Chesna? Bullshit ka rin 'no? Sana binalato mo na lang sa 'kin!"

Tumayo ako sa harap ng kapatid ko nang matapos akong magtirintas ng sapatos. "Hindi ka type 'nun ulol."

"Kakabreak mo lang kina Jessica, Jane at Karen. Ngayon naman kay Chesna? Utang na loob naman 'tol! Baka mamaya makarma ka niyan..... Mr. Heartbreaker?!"

Napakunot ako nang nuo nang marinig ko sa utol ko ang salitang "Mr. Heartbreaker". Tinitigan ko siya nang seryoso na akala mo'y aambahan siya ng suntok. Pero totoo naman ang sinabi niya. I'm a Heartbreaker! Ano pa nga bang dapat itawag sa 'kin? E sa dami ba naman ng babaeng dumaan sa 'kin at iniwan ko sa ere'y hindi pa ba ako deserving sa titulong 'yun? Hindi ko na lang ininda ang sinabi ng kapatid ko at nagmadali akong umalis ng bahay upang simulang magjogging.

After ng isang oras na pagtakbo'y tumungo na ako sa basketball court. Medyo may kalayuan dito sa 'min ang naturang lugar kaya kailangan kong maglakad ng trenta minutos makarating lang 'dun, o kinse minutos naman kung tutungo ka 'dun habang ika'y nagjojogging.

Walang tao sa court kaya solong solo ko ito, which is boring. Bihira lang kase ang mga kalalakihang nagbabasketball dito dahil sa layo ba naman. Hiding place ko na rin itong lugar specially everytime na nakikipagbreak ako sa babae. Humiram ako ng bola sa may kalapit na bahay at sinimulan nang magbasketball.

Medyo tirik ang araw kaya madali akong pinagpawisan. After thirty minutes ng paglalaro, nagpahinga muna ako sa may bench na nasa gilid ng court at agad nilaklak ang isang boteng mineral water. Naka yuko lamang ako na ang paningi'y nasa may kalupaan habang tumatagaktak ang pawis mula sa ulo ko, hanggang may biglang isang lalaking naupo sa tabi ko. Agad ko naman iginawi ang paningin ko at laking gulat ko sa aking nakita....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Raven Jade's One Shots (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon