The possibility of you outweighs the actuality of anyone else.

6 0 0
                                    

It's funny to think how I yearn for love — but when it's right in front of me already, I turn it down. Akala ko nung una, ako lang talaga 'yung problema. 'Di ko kasi mapigilan hanapin kung ano ang mali sakanila kahit wala naman — o 'di ko lang talaga mapigilan na hanapin ang wala sakanila na mayroon ka?

Akala ko nung una, ayaw ko lang talaga. It's either my reason is: "Hindi pa ako ready sa mga ganitong bagay," or "Sorry, ha? Priority ko kasi ang pag-aaral, eh,"

Pero hindi pala — sadyang hindi lang sila ikaw.

Pagdating kasi sa 'yo, kaya ko naman maging handa, eh. I wouldn't waste the risk of my chance with you if only I had one. It's funny to think na isang tanong mo lang siguro, hindi na ako magdadalawang-isip na ibigay ang matamis na 'oo.' Ikaw na 'yan, eh. Wala na akong maihaharap na kapal ng mukha para umayaw pa.

Pagdating kasi sa 'yo, kayang kaya kita ipagsabay sa pag-aaral. Being yours would motivate and urge me even more — I love the thought of having you as the one who I can run to whenever studying burns the hell out of me. Nakakatawa nga rin, e. Kasi ako? Tatakbo sa kung sino kapag pagod ako? Nakakapanibago, hindi naman kasi ako 'yung tipong maghahanap ng pahinga kapag pagod na. Hindi nga ata ako nagpapahinga kapag pagod na.

I would do all these things and more, even without being asked, because it's you. I would be a mad scientist inventing a new unit to measure the lengths I would go for you, because it's you.  I would rather live in this daydream, longing for you, than actually being someone else's in reality . . . because it's you.

of how love speaksWhere stories live. Discover now