CROWLEY

18 0 0
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa isang mundo kung saan ang pitong kontinente ay napag sama-sama sa iisang pangalan at pinamumunuan ng isang presidente, na nag dulot ng  pag laganap ng pulusyon, kurapsyon, kagutuman, karahasan at kamatayan. Kung saan ang mga hiwalay hiwalay na mga isla ay napagdugtong gamit ang mahahabang tulay. Kung saan ang mga puno’y isa na sa mga endangered species at ang hangin na hinihinga ay binubuga na lang ng makina. 

Ang mundong ito’y tinawag na “Zexan”. Dahil sa mga karumaldumal na pagbabagong ito mula sa kanyang nilikha; Napag pasyahan ni Messiah na pumili ng bagong diyos na papalit sakanya upang gumawa ng bagong mundo pagkatapos niyang wasakin ang Zexan. At upang makapili siya, kelangan nyang gumawa ng paraan, at umimbento sya ng laro kung saan ang mga kalahok ay mabibigyan  ng kakaibang kapangyarihan, upang malaman kung sino ang papalit sakanya, ang mga kalahok ay dapat mag laban patungong kamatayan, at kung sino ang matira siya’y magiging isang diyos na gagawa ng bagong mundo.

Si Crowley, isang mapag isang estyudante, ay isa sa mga kalahok na ito, ano kaya ang kanyang magiging kapalaran? O maiiba ang plano ng diyos?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CROWLEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon