CHAPTER 2: DATE

9 0 0
                                    

August 4, 2096   8:30 P.M. Crowley’s Room

Nakahiga na ako sa aking kwarto, nakatalukbo sa kumot at pinipilit ko paring isipin kung pano nangyare ang pag bulong sa akin ng sarili ko kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Sinuot ko ulit ang aking headset nang walang tumutunog na musika. Wala paring bumubulong sa akin. Nababaliw na ba ako?? Anung nangyayare sakin??

August 4, 2096   8:40 P.M. Cheese St.

Sinubukan kong lumabas at hinintay kung may mangyayari. Pumunta ako sa mga eskinita,sa mga madilim na lugar, pero wala paring bumubulong. Pumunta ako sa isang lottery outlet at tumaya. Tulad nang aking inaasahan may bumulong sa akin.

“10 2 21 32 4 15 61 23”

Nagulat ako nung marinig ko ang boses ko na nagplay sa headset ko na para bang nairecord ko ito nang matagal na panahon na at sinabi ko ang mga numerong iyon. Tumaya agad ako sa mga numerong iyon. Naghintay ako ng sandali at lumabas na ang mga resulta. 10 2 21 32 4 15 61 23, eksatong eksato sa numerong nabulong sa akin, nanalo ako sa lotto nang halos 40 milyong equi. (Equi – pera ng mga taga equator zone). Napaluhod ako at nanglaki ang mata ko. Totoo pala ang mga panaginip ko at higit sa lahat may pera na ako para mabili lahat ng gusto ko, yun ay kung buhay pa ako kinabukasan.

Kinuha ko na ang aking pera na nakasilid sa isang card wallet. (Card Wallet – ginagamit na pang bili ng mga gamit at kung ano ano.)

Napaisip ako habang naglalakad pauwi, kung totoo ang panaginip ko, edi may mga kalaban akong di ko kilala, may mga kapangyarihan din at siguro hinahanap na ako para patayin. Kelangan ko maging handa, at kelangan kong itago ang identity ko bilang isa sa manlalahok sa palaro ng Diyos.

 

August 4, 2096   10:10 P.M. Crowley’s Room

Oras na para matulog, sana’y mapanaginipan ko ulit ang pulong ng mga contestant sa laro. Pinikit ko ang aking mata dala ang hiling na iyon.

Bumalik ulit ako sa misteryosong kwarto at lumapit sa akin si Santino at ako’y kanyang kinalabit.

“Kamusta kana number 1? Mukang alam mo na kung pano gamitin ang kapanyarihan mo ah.”

“Oh kaw pala Santino.Siguro nga, nasan ang iba?”

“Di mo sila makikita ngayong araw, kada isang linggo lang ang meetings.”

“Eh nasaan si Messiah? May gusto sana akong itanong eh.”

“Busy sya eh, may mga kailangan syang gawin bukod sa patimpalak na to.”

“(sigh) Paano ko ba malalaman kung sino ang mga kalaban ko? Masyadong malaki ang Equator Zone para lakbayin.”

“Wag kang mag alala makikilala mo din sila, at sinisigurado ko sayong malapit lang din ang mga kalaban mo sayo, at siguro alam narin nila kung paano gamitin ang mga kapanyarihan nila.”

“Wala man lang bang senyales na may malapit sa akin na kalaban?”

“Meron, di ko kailangan sabihin, matututunan mo din ang tamang paraan para jan.” (smiley face)

Naglaho na ang misteryosong lugar at si Santino .

Minulat ko ang aking mata at tinignan ang oras. LATE nanaman ako!!!

Ako’y nagmadaling tumayo at naghanda na para sa pag pasok ko. Di ko na dapat pang problemahin ang mga quiz dahil sa kakaibang headset ko, kaya’t hindi na ako nag review para sa quiz ngayong araw.

CROWLEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon