Elise Pov
Kapapasok lang namin sa office ni Danzell. Nasa likod niya ako at simula kanina'y walang nag sasalita saamin.
"I-i'm sorry, Danzell. Promise, it won't happen again." Nakayuko kong sabi at patuloy na pagsunod sakaniya.
Hindi ko namalayang tumigil na pala siya sa paglalakad. At ako ay patuloy pa rin kaya nabangga ako sa likod niya na ikinagulat ko naman, kaya bigla akong natumba at napaupo.
I'm a little bit chubby, kaya sigurado akong nasaktan din siya sa pagkakabangga ko sakaniya.
"Fuck!" Nakita kong nakakuyom ang mga kamao niya. "Sorry." Saad ko naman habang mabilis na tumayo habang hinihimas-himas ang aking pwet.
Sakit.
"Palagi nalang sorry Elise?!" Bulyaw niya.
"Wala naman kasi akong magagawa." Nakayuko kong sabi habang pinaglalaruan ang sariling mga daliri.
Katahimikan.
"Tse. Seriously, Elise? At work? Lumalandi ka?" nakita ko mula saaking pagkakayuko ang sapatos niyang nakaharap na saakin.
Malandi? Nanikip ang dibdib ko at onti-onting bumuhos ang luha ko.
"What now!? Are you going to cry and cry again?! I. Hate. Crybaby!" Madidiin niyang sabi, halos lumundag ako sa gulat sa lakas ng pagkakasigaw niya.
Wala pa rin akong imik at patuloy sa pag iyak.
I don't like being yelled at. Sumisikip ang dibdib ko. Why can't we talk properly? He didn't need to yell at me but i admit it. It was my fault.
"You're fired." Sabi niya na lalong nagpasikip ng dibdib ko.
I really need this work. Yari nanaman ako kay apang.
"I don't need someone like you." napatingin na ako sa mukha niya at tinitigan siya nang marinig ang sinabi niya. "Can't focus on just one fucking thing!, mukhang pera, isang mahirap, mahina at..."
Lumapit ang mukha niya saakin.
"Maland—"
Sinampal ko siya.
"Wag na wag mo akong pag sasabihan ng salitang yan!" Nakatapat ang hintuturo ko sa pagmumukha niya.
Ang mukha niyang nakaharap saakin kanina ay ngayo'y nasa kaliwang direksiyon na, dahil sa pagkakasampal ko sakaniya.
Para ko siyang niloko kung paano niya ako tratuhin at pag salitaan, simula noong mag i-isang buwan na ako rito.
Kasama namin siya noon sa aming mga biruan at tawanan. Pero isang araw, nag bago siya. Hindi lumalabas ng office niya, laging magkasalubong ang mga kilay, at malalamig ang reponde niya saamin.
He changed.
"H-hindi mo ako kilala. Wala kang karapatan pag sabihan ako ng kung ano-ano!" bulyaw ko sa kaniya. "Kahit ikaw ang nag papasahod saakin, wala kang karapatan maliitin ako." Pagpapatuloy ko habang patuloy ang pagtulo ng luha ko.
"E ikaw? Ano ka ba ha?!" Tinulak ko siya ng mahina sa dibdib. Tila ba wala na akong pakealam kung sino ang kaharap ko ngayon. Ang iniisip ko lang ay ang masasakit na binitawan niyang salita saakin.
"You're just...a dumb man who cannot respect anyone! You are a heartless man! Mayaman ka pero ginagamit mo ang yaman mo para mangmaliit ng kapuwa mo!" Sabi ko habang siya ay masama ang titig saakin at magkasalubong ang dalawang kilay.
"You're just a. rich. fucking! man. But you can't b-buy someone na mag mamahal sayo." Hindi ko gustong sabihin ang lahat ng ito, pero hindi ko na naisip 'yon dahil nasasaktan ako.
YOU ARE READING
Restless Love
Short StoryElise Shanelle Haddara, She works hard for his family. everyday she smiles and laugh but she has a serious problem with her stepfather. She was accepted to a big job even though he didn't finish school. And the gossip, she was only accepted because...