PROLOGUE

6 0 0
                                    

Sa kalagitnaan ng karagatan lulan ng isang maliit na bangka ang isang dalaga na nag nga-ngalang Elora. Isang napaka-dilim na ulap ang papalapit, makapal na hamog at nagagalit na karagatan, hindi alam ng dalaga ang gagawin sapagkat sa tanang-buhay niya'y ngayon lamang siya nakaranas ng ganito.

Lumakas ang ihip ng hangin at nararamdaman niyang tila umiikot ang kaniyang sinasakyan, kaniyang pinag-masdan ang dagat at sinilip kung ano ang dahilan ng pag-ikot, ito pala ay isang malaking alimpuyo.

Sa kailaliman ng alimpuyo ay may na-aaninag siyang liwanag, pinakatitigan niya itong mabuti at hindi lang liwanag ang naruon kundi kulay berde, para bang sang malawak na damuhan. Sa tagal ng kaniyang pag-kakatitig ay hindi niya napansin na malapit ng tumaob ang bangka, hanggang sa naging dahilan ito ng kaniyang pag-kahulog.

Sa labis na takot ay napa-pikit na lamang ang dalaga at hinayaang mahulog ang sarili, inisip niyang mamamatay siya na walang nakaka-alam at makakahanap ng bangkay niya. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na ang pag hampas ng kaniyang likuran sa tubig, unti-unti siyang lumulubog ng paikot-ikot hanggang sa unti-unting nag dilim ang kaniyang paningin at tuloyan na siyang nilamon ng karagatan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Odyssey Of Elora Flor VandrickWhere stories live. Discover now