I. She's Broken

34 4 2
                                        

"Hi" Nahihingal kong bati kay Karelle ng maabutan ko siya sa hallway.

"Oh Ken? Ano kailangan mo?" tanong niya sa akin.

"Sinabi ko naman diba na sabay tayo uuwi" paalaa ko sa kanya.

"Wala akong sinabing 'oo' " sagot niya.

"Eh. Gusto ko eh!" sagot ko habang kinukuha ang bag niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" tanong niya nagtataka.

"Ano pa ba? Edi kinukuha ang bag mo. Para kasing nabibigatan ka eh." sagot ko. Gentleman ako eh.

"Psh. Hindi mo naman kailangang gawin yan eh. Akin na" sabi niya habang pinipilit na kunin ang bag niya.

"Karelle. Ako na." diin kong sabi para tumigil na siya.

"Bahala ka" sagot niya tapos naglakad na kami palabas ng building.

Ako si Ken at ang babaeng kasama ko ngayon ay ang taong mahal ko kaso hindi niya alam eh. Kung iniisip ninyo na bestfriends kami, hindi. Actually, kahapon ko lang napagdesisyunang magpakalalaki at makipag close kay Karelle para makilala ko siya ng lubusan. Hindi na kasi ako kuntento sa pasulyap-sulyap lang baka maunahan pa ako ng iba diyan. Isa pa, last week na namin ngayon sa High School.

Matagal ko na talagang gusto si Karelle pero hindi ko siya mapormahan dahil --

"Hi Sexy"

"Good Afternoon Karelle"

"Libre ka ba bukas Karelle?"

"Hi Chicks"

Pagdating namin sa may gate ay sumalubong lang naman ang mga admirers niya. Hay. Maganda kasi siya eh kaya nahihirapan ako.

"Kainis talaga yung mga lalaking yun! Chicks daw? Ano ako? Anak ng manok? Tapos libre ba daw ako? Ano ako pagkain? Gamit? Psh" pag rereklamo ni Karelle.

Nakakatawa naman ang reaction niya. Buti na lang wala siyang tino-tolerate sa mga admirers niya.

"Maganda ka kasi eh! Hindi ka pa ba nasanay?" sabi ko.

"Che! Wag mo nga akong binobola!" sagot naman niya.

"Totoo nga!" sagot ko.

"Tss." ang sagot niya.

Nakalabas na kami ng paaralan at ihahatid ko na sana sila sa bahay nila ng nadaanan namin ang isang bbq haus.

"Ken! Bili muna tayo ng isaw dali!" pangyayaya niya.

Hay. Sino bang makakatanggi kay Karelle?

"Hi po ate Beling!" bati nito sa nagtitinda.

Ay. Close sila?

"Oh Karelle hija, ikaw pala yan! Ano kailangan mo?" tanong nito sa kanya.

" Bibili po ako ng 10 isaw! Ikaw Ken? Ilan gusto mo?" tanong niya.

O_O.

Sampu daw? Baket andami naman nun? Hindi niya ba alam na marumi yan?

"Ah. 2 lang" sagot ko.

"Dalawa lang? Sure ka?" tanong niya na tila ba nagulat talaga sa sagot ko.

"Yea. Hindi ko kasi gusto ang isaw eh" sabi ko.

"Talaga? Nakakapagtataka naman. Ikaw lang ang kaibigan kong ayaw ang isaw" bulong niya.

Oh? Kaibigan na daw kami! Yay!

"12 lang po ate" sabi niya sa tindera tapos lumingon sa akin "Ako na ang magbabayad"

"Ha? Wag uy!" sabi ko naman.

The SHE SeriesWhere stories live. Discover now