KARSEN'S POV
Habang nag lalakad si Karsen sa hallway ay nakita niya ang kaniyang 3 years crush and counting. Siya si Calvin matangkad, gwapo, moreno, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, makapal ang kilay, basketball player, Academic achiever, mabait, magalang - hayss nasa kanya na ata ang lahat sa isip niya.
Sa sobrang tagal niya na itong crush ay ilang beses pa lamang niya itong nakakausap ng personal, eh kasi naman nahihiya siya, sino ba naman kasi siya diba? Isa lamang siyang walang binatbat pag dating sa patalinuhan, eh kasi naman kahit anong gawin niya hindi parin siya napapasama sa honor list kahit nga ata mag puyat siya kaka-aral wala paring pumapasok sa isip niya, eh pano ba naman pag nasa kuwarto niya na siya ay lagi lamang siyang nakatitig sa litrato ng lalaki na naka display sa study table niya
- Ang gwapo kasi niya eh, wala eh nahulog ako sa mga ngiti niya pati sa pagiging mabait niya sabi niya sa sarili.Nabalik lang siya sa katinuan ng may biglang bumangga sa kaniya, sobrang lakas ng impact non kaya muntik na siyang mawalan ng balanse, buti nalang may biglang humawak sa baywang niya at nasalo siya. Nabigla siya, kaya pagtingin niya kung sino ito parang biglang tumigil ang mundo niya, pano ba naman kasi ang kaniyang 3 years crush and counting ang nasa harap niya sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa.
"Ehemm.. baka naman matunaw niyan si Calvin bhie" muntik niya ng makalimutan na kasama niya nga pala ang kaibigan niya na si Sydney. Dali dali naman siyang kumalas kay Calvin.
"A-ahmm t-thank y-you pala t-tsaka sorry din" utal utal na sabi niya."Ah, wala yon basta next time mag iingat ka nalang" tumango naman siya
"Bye Karsen." sabi ni Calvin sabay tapik sa balikat niya at umalis. Hindi na siya nakasagot dahil naestatwa siya sa ginawa nito."Uyyy ikaw ah, sumasalisi ka kay Calvin suss"
pangaasar ni Sydney."Heh, tara na balik na tayo sa room baka nandon na si Ma'am Ignacio"
sagot na lamang niya para maitago na rin ang kilig na nararamdaman.--
"Okay class, I have an announcement listen carefully malapit na ang Senior prom night niyo kaya sana lahat makakapunta experience din yon kaya dapat kompleto kayo." sabi ni Ma'am Ignacio hiyawan naman ang mga kaklase niya.
"Ma'am kelan po?"
"Ma'am diba po need ng date don?"
"Ma'am ano pong theme?"
"Quite class, hinay hinay lang sa pag tatanong isa lang ako oh. Gaganapin yung Senior prom night niyo sa March 24 and yes dapat may date kayo pero kung ayaw niyo pwede namang wala. At ang theme pag bobotohan palang ng mga SSG officers ipopost nalang daw yon sa page. And that's all good bye class."
"Good bye Ma'am Ignacio see you tomorrow." tugon naman nilang mag kakaklase.
"Wah bes narinig mo ba yon, omgggg I'm so excited kyahhhh!!!" sabi ni Sydney na may paghampas pa sa balikat ko.
"Arayyy naman grabi ka naman maka hampas. Oo narinig ko din, di naman ako bingi no tsk kaya dika kinacrushback nang crush mo eh pano mapanakit ka!" asik niya sabay ganti din ng palo, pano ba naman sobrang lakas non feeling niya namumula na ata iyon.
"Woww huh coming from you na hindi rin naman kincrushback ng crush niya na 3 years and counting at hanggang ngayon umaasa na mapapansin siya nit- " agad niya namn tinakpan ang bibig ng kaibigan, eh pano ba namn ang lakas ng bunganga nito.
"Oo na manahimik kana, tara na nga uwi na tayo." sabi niya habang nakakunot yung noo.
"Teka bes bakit di mo ayain si Calvin na maging date mo sa prom natin malay mo pumayag." sabi ni Sydney habang nag lalakad sila palabas ng gate.
"Nako as if naman na papayag yon no, tsaka di naman mandatory yung may date eh choice mo naman yon kung gusto mo o hindi." sabi niya, pero sa totoo lang kanina niya pa iyon naiisip nung sinabi palang ito ng kanilang guro .
Kaso malabo na pumayag yon, eh ang alam niya kasi may nililigawan ito at yon si Dianne maganda, matalino, sexy, at lumalaban din sa beauty contest oh diba full package na.
At kung magiging sila edi perfect, parehas silang maganda at pogi tas parehas ding matalino o ano ang laban ko don eh maganda lang ako hayss.
BINABASA MO ANG
The Way I Love You
Teen FictionKarsen Jimenez is just a simple girl who has a crush with the one of the most popular guy in their school and this guy is Calvin Buenaventura. He is academic achiever, basketball player, kind and last but not the least is handsome. What will happe...