AT THE HOSPITAL
"Lola nandito na po kami kasama ko po si Karsen yung anak po nila Mr & Mrs Jimenez yung dati po nating kapitbahay sa Pilar" pag salubong na bati ni Harvey kay Lola Adeline. "Hala ikaw na pala yan hija, lalo kang gumanda manang mana ka talaga sa iyong ina." bati ni Lola Adeline ng may masayang tinig.
"Ay si Lola talaga hindi pa rin nagbabago, palabiro parin at syempre po nasa lahi po ang pagiging maganda hahaha, salamat po sa pagpuri." natatawang saad ko, hindi pa rin nag babago si Lola Adeline palabiro pa din."Kumusta na po kayo Lola nasabi po sa'kin ni Harvey na may sakit daw po kayo? May iba pa po ba kayong sakit o nararamdaman?" tanong ko kay lola.
"Ah heto ayos lang naman hija, baka sa susunod na araw ay ma-discharge na rin ako kasi sa susunod na linggo ay babalik ako dito para nga magpa dialysis." sagot naman ni lola.
"Mabuti naman po yan 'la mag pagaling po kayo ah para po maka gala/bonding na po ulit tayo" nakangiti kong sabi kay Lola.Hindi na namin namalayan nila Lola na mag hahapon na pala kaya naman napag pasyahan ko ng mauna na baka kasi hinahanap na din ako ng aking mga kaibigan.
"Lola una na po ako ah, pasensya na po kung wala man lang po akong dalang kahit ano, pero sa susunod po nag magkikita tayo ay promise po dadalhan ko po kayo. Alagaan nyo po ulit yung sarili nyo ah 'la huwag po kayong papalipas ng gutom at matulog po kayo sa tamang oras." pag papaalala ko kay Lola Adeline.
"Oh sya sige iha salamat sa iyong pag dalaw at huwag mong alalahanin na wala kang dala dahil ang importante ay pinuntahan mo ako rito" sagot naman ni Lola.
"Hatid ko lang po sa labas si Karsen 'la" sambit naman ni Harvey.
"Oh sya sige at mag iingat ka Karsen apo huh salamat ulit sa pag dalaw" sagot naman ni Lola Adeline.
"Sige po 'la una na po ako babye po love u po!" sambit ko naman at sabay yakap kay lola.Habang nag lalakad kami sa hallway ng hospital ni Harvey ay parang napansin ko si Calvin, pero parang hindi ako sure kaya tinignan ko ulit ngunit pag tingin ko ulit ay wala sya doon, siguro pinuntahan niya yung mommy niya o di kaya ay baka hindi siya 'yon sabi ko sa loob loob ko.
"Thank you sa pag bisita kay lola ah Karsen" sabi ni Harvey
"Sus ano ka ba Harvey wala yon tsaka miss ko na din kasi si lola and ako nga ang dapat mag pasalamat eh kasi sinamahan mo ako dito, thank you ah namiss din kita" sambit ko naman.
"Pasensya kana ah kung hindi kita mahahatid wala kasing bantay si lola eh" malungkot na saad ni Harvey.
"Huy ano ka ba ayos lang no kaya ko namang mag commute no tsaka mas okay na yon bantayan mo si Lola ah suntok ka sakin pag hindi ko binantayan si lola" seryoso kong sambit.Bigla naman syang natawa sa sinabi ko, aba naman na taong to wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah sunutukin ko sya dyan eh HAHAHAAH charsss.
"Sige na nga mauna kana hahaha noted yung mga bilin mo sakin boss aalagaan ko si lola, byee" parang nag mamadaling sambit ni Harvey.
" Sige bye thank you!" sambit ko naman at nauna na.Wahh!! Nakakapagod na araw pero oks lang naman at heto ako ngayon nakahiga sa kama ko hindi makatulog iniisip kung anong mangyayari sakin sa pag lipas ng ilang taon at nag kakaroon ako ng thoughts kung kakayanin ko ba o kaya ko bang gawin to lalo na sa pagkamit ng mga gusto kong makamit na pangarap, pero para sa mga oppa at kay Calvin lalaban sa araw-araw
BINABASA MO ANG
The Way I Love You
Teen FictionKarsen Jimenez is just a simple girl who has a crush with the one of the most popular guy in their school and this guy is Calvin Buenaventura. He is academic achiever, basketball player, kind and last but not the least is handsome. What will happe...