PROLOGUE

1 0 0
                                    

Banoy's POV

“Hoy! Ayun nandito sya! Bilisan nyo!”

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kabilang kalye, nang madatnan nila ako.

Maraming may inis na bumusinang sasakyan nang ako'y tumawid. Muntikan pang masagasaan.

“Hulihin nyo yan!, Isa yang takas na kriminal!” sigaw ng isa sa mga pulis na humahabol sa akin.

Mayroong mga sibilyang umakmang harangan ako para tulungan sila, pero lumiko ulit ako at tumungo sa madilim na lansangan.

Tumakbo pa ako ng takbo palayo sa kanila hanggang sa hindi ko na mapakinggan ang kanilang malakas na mga boses.

Tumigil ako sa isang makitid na kalsada, mayroon doong aandap-andap na street light, walang dumadaang sasakyan at mga tao.

Gabi na rin ngayon. Maganda tumakas at gumala sa isang kriminal na tulad ko.

Mga pader ang nakatayo sa magkabilang gilid ng makitid na daan na ito.

Kaya napag-isipan kong sumandal muna roon at magpahinga dahil hapong-hapo na ako.

Pinunasan ko ang aking noo gamit ang likod ng aking palad. At ang manggas ng kulay kong kahel na damit pangbilanggo ay pinunas ko sa gitna ng ilong at labi dahil namamawis ito.

Ngayon lang ako nabuking dahil don sa mokong na yun. Ayos na sana eh, malaya akong nakakatakas tuwing gabi pero dahil sa kanya natagpuan ako.

Bumuntong hininga ako at nag-umpisa na ulit tumakbo pero marahan na ngayon di-tulad kanina.

Natigilan ako ng may madatnan akong isang lalaking nangangakya't bahay. May kumislap na puting ilaw sa kanyang bulsa nang tumama ang sinag ng ilaw doon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.....Kutsilyo.

Alam ko na toh, isang hamak na tulad ko rin.

Hayss......Gawin mo ang gusto mo. Bahala ka dyan....

Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Muli na naman akong napahinto ng may makita akong wallet sa daan.

Hindi ito kalakihan, maliit lang, kulay itim ito at mayroong zipper.

Siguro nahulog ito nung butiki na yun; lalampasan ko na sana at lalakdawan, pero may nakadungaw na isang picture, doon sa wallet na iyon.

Kalahati lang ng mukha ang kita..
...
...
.....
.... Mukang isang I.D

Dinampot ko ito dahil na-curios na rin ako.

Kunot-noo kong binuksan ang wallet.

Kinuha ko ang I.D at nakita ang larawan ng isang babae.

Mahaba ang buhok nito at malawak ang ngiti nya sa larawan. Hindi hamak na pilit ito pero kahit na ganoon maganda syang tingnan kapag nakangiti.

Hindi mo agad matatanaw ang kanyang kagandahan sa isang sulyap lang, kapag tinitigan mo sya at tiningnan ng matagal mas lalo syang gumaganda.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Teka, anong nangyayari sa'kin?.

At ako'y pinagpawisan.

Ano itong nararamdaman ko?.

Sa totoo lang, ngayon ko lang ito naramdaman.

Napalunok ako, nahihibang na yata ako.

Hinalwat ko pa ang wallet.

Mayroon ditong isang libong piso at iba't ibang klase ng identification card, may nakita akong address at napagtanto kong dito lang din ito sa lokasyon na ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deep Sleeper's Prince Where stories live. Discover now