Chapter 3: Secret Portal

47 8 20
                                    

3

Secret Portal

Cady

GUTOM na gutom na ko kelan ba 'to maluluto? Parang love life ko, walang progress!

Tumingin ako sa mga kaklase kong nakapalibot sa bonfire na aliw na aliw habang sinusunog ang hotdog.

Hotdog lang talaga ang palibreng snacks ng V.E.N.U.S, ang laki-laki ng binabayad na tuition, pero sa pagkain, tinitipid kami ng bongga!

Kung wala lang itong dagdag grades sa minor subject namin na Readings in Philippine History, aba, hindi ako magtatyagang lutuin 'to.

Yung mga bulate ko, nagrarally na sa tiyan ko. Nagpo-protesta sa gutom ko, walang tigil!

Mahigit isang oras na ata akong nakaupo dito, parang naghihintay ng sign kung kailan darating ang forever ko hays.

Ibinalik ko ang tingin sa kabilang grupo na tila may sariling mundo, bungisngisan, tinginan, usap.

Paulit-ulit na umirap ako, kulang na lang mawala ang isang mata ko sa kakairap.

"Dai, sunog na 'yan." Inilayo ni Jham ang kamay ko na may hawak na hotdog sa bonfire.

Napatingin ako sa hawak ko, punyemas, kulay itim na nga!

"Iniisip mo na naman kasi si Sir, dai." Iiling-iling na sabi nito habang nilalantakan ang dalawang hotdog na luto na.

"Hindi ah!" Defensive na sabi ko kay Jham, kumibit balikat lang ito sa'kin at mapang-asar ako na tinignan.

Aba totoo naman, di ko naman iniisip si Sir.

Iniisip ko kung kelan ba maluluto tong hotdog na sunog na pala.

Nakatitig kay Sir. Oo! Kaya hindi ko napansin na sunog na pala.

Imbes kasi na sa niluluto ako nakatingin, eh kay Sir na busyng-busy makipag-usap kay Ma'am Tine. Tsk.

Kanina pa kasi sila nagtatawanan, tapos parang anseryoso pa talaga ng pinag-uusapan nila.

Malaman ko lang talaga na nagliligawan to, magwawala ako dito as in.

AKIN LANG SI SIRRRRRRR!

GRRRRRR.

"Oh, para sa puso mong sawi." Inabutan ako ni Jham ng tumbler. Tinignan ko muna ang tumbler na inabot niya, saka ko binato sa kanya 'yung hotdog!

Bigyan ba naman ako ng tumbler na may lamang alak. Sinamaan ko siya ng tingin at bumuntong-hininga si Jham, habang tumitingin din siya sa harapan kung saan nag-uusap sina Sir at Ma'am Tine.

Pagkatapos ay tumitig din siya sa'kin na parang nagsasabi ng:

-Potaka-inumin-mo-na-yan!-

Nakataas pa ang kilay niya at nag-aabang sa gagawin ko.

Kinuha ko ang tumbler.

At dahan-dahan na binuksan.

Sumingaw naman ang amoy alak.

Nagtataka na tumingin ako kay Jham.

-Saan- mo -naman -nakuha- 'to?- tanong ko sakaniya at tinitigan siya ng takang-taka

Pinanlakihan niya ako ng mata, -Wag-ka-na -nga -masyado -magtanong!-

Ayos lang, kahit hindi na pala kami mag-sayang ng laway kakasalita, nagkakaintindihan naman pala kami sa tinginan lang.

Ito talagang babae na 'to ang hilig-hilig uminom kaya laging tulog eh.

Hindi talaga ako umiinom o pala-inom ng alak, siguro tuwing may okasyon lang sa bahay namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Long Lost Princess and Prince of Lost City [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon