Chapter 20 - I hate you

230 14 9
                                    

"Caileigh!"

"Aray!" nabalikwas ako ng bangon habang hawak hawak ang kanang pisngi ko.

"Sino sumampal sa akin?"at tinignan ko silang tatlo ng masama.

Nagturuan naman ang tatlo.

"Isa!" panimula kong bilang dahil para silang mga bata na nagtuturuan at nagtutulakan.

"Dalawa!"

"Ta-tatlo kami!" sabay-sabay na sabi nila sa akin.

Hayop.

"Bakit niyo ko sinampal?!"

"Nahimatay ka kasi bes" sabi ni Anne at ngumiti ng napaka inosente.

"Ako? Nahimatay?"

"Oo nga" sagot naman ni Nicolo.

"Are you okay?" tanong ni Julie at lumapit sa akin sabay hawak sa pisngi ko.

"Does it hurt?" tanong pa nito na kinatango ko naman.

"Sinong huling sumampal sa akin kasi parang namanhid yung pisngi ko!" tinignan ko ulit sila isa-isa.

Yung dalawa ay tumingin sa iisang pwesto kaya naman sinundan ko ito ng tingin. Nakita kong nakapeace sign na si Nicolo at may maamong ngiti sa labi.

"Bwisit ka!" susugurin ko sana ito pero tumayo ito at pumunta sa likod ng single couch.

"Sorry na!"

"Sorry ka diyan, parang nawala natanggal yung pisngi ko sa sampal mo!"

"E' kasi ang langya sumampal ni Juliette tapos ito naman si Mabantot pangtropa ang sampal, kaya"

"Kaya sinampal mo ko na parang may galit ka sa akin!"

"Hi-hindi ah, medyo lang" tumakbo naman ito ngayon sa dining table dahil sinugod ko ulit siya dahil sa sagot niya sa akin.

"Halika dito!"

"Ayoko!"

"Halika dito, pasampal lang ng isa!"

"Sorry na, Effective naman yung sampal ko sayo ah! Nagising ka nga oh!" sabi nito habang tumaktakbo paikot dito sa dining table.

"Tangina mo!"

"Tangama mo rin!"

Patuloy kami sa pagtakbo at paghabol ko sa kaniya dito sa loob ng condo unit ni Julie habang yung dalawa ay tuwang tuwa sa nakikita at mukhang wala balak kami awatin.

"Go Leigh! Isampal mo na rin ako sa baklang 'yan!" pagcheer pa ni Anne sa akin.

"I didn't know i have kids in my condo" natatawang sabi ni Julie.

"Ahh!!" tili ni Nicolo.

Tahimik kaming nakahiga dito sa carpet sa balkonahe ni Julie habang nakatingin sa maaliwalas na kalangitan.

Pagkatapos ko mahuli si Nicolo at mapitik sa tenga hanggang sa mamula ito ay naisipan namin dito tumambay. Kaya nilatag namin ang malinis na carpet dito at dinadama ang katahimikan at ang malamig na simoy ng hangin.

Magkatabi ni Julie at katabi naman ni Julie si Anne na nasa gilid niya si Nicolo.

Dahan-dahan ko inabot ang kamay ni Julie na nasa gilid ng katawan niya at tumingin sa kaniya na ikinalingon din niya.

"I guess, I'm giving us a chance" mahinang sabi ko sa kaniya.

May nakita akong emosyon sa mga mata niya bago ngumiti ng alinlangan at tumango bago ituon muli ang mata sa kalangitan.

Risked it AllWhere stories live. Discover now