'B' for Blind

12 2 0
                                    

"Hon, look oh? Ang ganda ng stars!" Gray said to his girlfriend Jas

"Ang saya nilang tignan, relaxing. Naisip ko lang, sobrang hirap maging bulag. Hindi mo makikita kung gaano kaganda yung mundong ginawa ng diyos." Jas said

"Hon, kung magiging bulag ka. Or mawawalan ka na ng paningin bukas? Anong gagawin o anong tititigan mo for the last time?"-Gray

"Sa umaga, gusto kong makita muna ang daddy ko bago pa man ako mabulag. Sa gabi? Tititigan ko lang ang stars, kasama ka.. Ikaw?"-Jas

"Tititigan kita buong araw.."

"Ang baduy mo!"-Jas

"Baduy pero totoo yun, kung mabubulag man ako.. Sisiguraduhin kong kabisadong kabisado ko na pati yung mga sobrang maliliit na butas sa mukha mo!" Jas can't help but laugh.

"Tara na, uwi na nga tayo." Sabi ni Jas at niyaya na si Gray patungong sasakyan.

Kinabukasan

"Ano ba kasing gusto mong gawin ko?! Mag resign sa trabaho ng dahil sa selos mo?!" Sigaw ni Gray at hinampas ang manibela, kasalukuyan silang nasa sasakyan ni Gray ngayon.

"Hindi ko sinabing mag-resign ka! Ang gusto ko lang sana maramdaman mo yung mga labas na sa trabahong ginagawa nung babaeng yun!"-Jas

"Jas, can you please understand na ginagawa ko yun para rin sa trabaho ko! Anak ng boss ko yun Jas, baka mawalan pa ko ng trabaho pag iniwasan ko yun. Di ko kasalanan na gusto ako nung tao!"

"Yun! Edi lumabas din yung totoo na may gusto sayo yung lintang yun!"

"Jas, wag na natin palikihin 'to please!"

"Drive me home.." Malamig na tugon ng dalaga

"Jas--"

"I said drive me home!!" Pasigaw na utos nito kaya inistart nalang ni Gray ang sasakyan.

-.-.-.-.-.-.-.-

Isang walang prenong truck ang nakasalubong ng isang asul na kotse, iiwasan sana ng driver ang truck huli na para dito.Maagang dumating ang ambulansya kaya nailigtas pa ang dalawang sakay ng kotse..

"J-jas.." Bulong ni Gray hanggang sa tuluyan syang mawalan ng malay..

-

Minor lang ang natamong injury ni Gray, kabaliktaran naman neto ang nobya nyang si Jas dahil magpasahanggang ngayon ay wala parin itong malay.

"I will be honest to you Misis. Your daughter is still unconsious, and maybe.. She'll be needing eye transplant once she woke."

"Doc? Ano pong maaring paaraan para makakita pa ang anak ko?"

"A compatible eye donor." Maiksing pahayag ng doktor

-

"Grabe ka makatitig brad! Matunaw yan!" Kantyaw ni Mark kay Gray na halos magdadalawang oras ng nakatitig kay Jas

"Nangako ako e"

"Anong pangako?"

"Nung gabi bago kami maaksidente.. Nangako ako.."Naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating ang nurse

"Sir Gray, pinapatawag na po kayo ng doktor" Hinalikan ni Gray si Jas sa labi at tuluyan ng lumabas sa kwarto.

After 2years

Jas's POV

It's been two years since that day.. Nung araw na naaksidente ako at araw na iniwan ako ng taong pinakamamahal ko.. Maraming tanong na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan, Bakit nya ko iniwan? Dahil ba sa nalaman nyang hindi na ko makakakita pag nagising ako? O dahil may nakita syang hihigit saakin?2years, 2years akong naghintay pero wala ni dulo ng daliri ni Gray ang nagpakita sakin..

"Hon.." Tawag sakin ni Mark, Oo kami na. Actually kasal na kami.. Sya yung sumalo sakin nung iniwan ako ni Gray..

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo?"

"Don't mind me mar--- Hon.. I'm just tired.."

"Sige na, umuwi ka na muna.. Pahinga ka.."Hindi na ko nagpaalam kaila mama, dumeretso na ko sa kotse pero hindi sa bahay.. Dumaan muna ko sa park, sa park kung saan kami madalas ni Gray. Kasal na ko pero di ko maitatangging may puwang parin sya sa puso ko..Naputol naman ang pag-iisip ko ng may lumipad na picture sa harap ko at nalaglag sa bakanteng upuan sa tabi ko. Kusang tumulo ang luha ko nang makita ko yung litrato.. It's me and Gray, he's here? Masasagot na yung mga tanong ko..Paglingon ko sa likod.. It was Gray, yung lalaking mahal ko.. Pero bakit parang di nya ko kilala, nakatingin sya sakin pero walang reaksyon ang mukha nya. Hindi sya nagbago, gwapo parin, matangkad.. Nakasuot sya ng simpleng pantalon at white shirt, nakashades, at may hawak na kahoy.. Nabigla ako ng makita ko syang maglakad papalayo, kinakapa nya yung dinadaanan nya.. Parang.. Parang, Bulag?

"Gray!" Pag tawag ko sakanya kaya naman napahinto sya ngunit hindi sya lumingon.. Lumapit ako sakanya at hinarap sya..

"A-anong nangyare sayo?"

"Jas?"

"Kilala mo pa pala ang boses ko.."

"Jas.. A-anong ginagawa mo dito?"

"Nawala mo yata 'to" Inabot ko sakanya yung nilipad na picture naming dalawa..

"Jas? Look, I'm sorry for what I've done.."

"Anong nangyare sayo? Bakit iniwan mo ko? Bakit lumayo ka? May iba ka na ba? Mahal mo pa ba ko? Bakit bulag ka?"

Lahat ng tanong sunod sunod kong tinanong sakanya..

"H-hindi ba sinabi ni Mark?"

"Huh? Anong hindi sinabi ni Mark?"

Nalaman ko na si Gray pala ang nagdonate ng mata ko.. Ako ang dahilan kung bakit bulag sya.. Ako yung rason ng lahat.. Pero huli na, kasi kasal na ko kay Mark.. Mahal ko si Gray sigurado ko dun pero bawal na.. Nagbulagbulagan ako, naniwala ako sa mga naririnig ko pero hindi ako dumilat para makita yung buong katotohanan.. Ngayong nasa harap ko na sya wala akong magawa, kasi sa bawat kilos ko laging pumapasok sa isip ko na may asawa na ko, na huli na ang lahat para samin ni Gray.. But I will still love him 'til the end ;))

End..

ABC's Of LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora