002 : orange juice over tea (fuck coffee)

14 0 0
                                    

"May notes ka sa OrgMan?"

Kapapasok ko pa lang sa classroom nang bigla na lang akong salubungin ni Sydney. Ni hindi ko pa nga nailalapag ang bag ko sa upuan.

"Baka pwedeng paupuin mo muna ako?" I arched a brow at her.

"Ay, sorry!" Hilaw niya akong nginitian. Napakamot siya sa batok at awkward na itinaas ang dalawang daliri.

Sydney's long braided hair bounced back as she tried to walk beside me. Since it's still early, kakaunti lamang kaming magka-kaklase na nandito sa room. Kulang pa yata ang bilang namin sa sampo. Umupo muna si Sydney sa katabing upuan ko dahil wala pa naman si June, ang seatmate ko.

I also sat on my chair and started rummaging through my bag, looking for my notebook in OrgMan. Inabot ko iyon sa kaniya noong nahanap ko na. She fished her phone out of her pocket and opened the notebook to the pages she needed, specifically yesterday's lesson. She turned the page after taking a picture of the previous one.

"Bakit nga pala absent ka kahapon?" Usisa ko sa kaniya.

Napatigil siya sa pagpipicture ng notes ko. Natutop niya ang kaniyang bibig gamit ang phone na hawak niya. She looked at me with excitement and disbelief.

"Hala, na miss mo ba ako!?" Patili niyang tanong sa akin. Agad akong napairap. Na-conscious tuloy ako sa ibang tao rito sa room.

"Nevermind. Forget that I asked," I sighed.

"I knew you cared about me, AJ!" She's the only person who calls me that. Oh my gosh, how I hate that nickname. "Huwag mo nang i-deny, bistado ka na." Niyakap niya pa ako.

I tried to get away but I couldn't. Her hug is too tight.

"Akin na nga 'yang notebook ko!"

Tinangka kong kunin iyon mula sa kaniya. Ngunit mabilis siyang humiwalay ng yakap sa akin, at inunahan ako.

"Teka lang! 'Di ko pa napipicturan yung kabilang page!" She panicked, and moved the notebook away from my reach. Wow, ha!

After taking pictures of everything she needed, she returned the notebook to me, and said 'Thank you!'. Inilabas niya ang sariling notebook at nagsimulang kopyahin ang notes ko from the pictures on her phone. Tinago ko ang notebook ko sa bag bago siya muling nilingon.

"So bakit ka nga absent ulit?" I insisted, carefully watching her reaction.

Sydney paused for a moment, looking sideways, before answering me.

"Kumuha lang ng passport," She answered quietly.

Bull.

"Pangatlong passport mo na 'yan ngayong taon, ah," naningkit ang mga mata ko.

She just shrugged, and continued writing in her notebook. Gaano ba kabilis ma-expire ang passport, at bakit parang linggo-linggo siyang nagpapalit?

Well, I know for a fact that that isn't her real reason. But seriously? Ano kaya ang sinasabi niyang dahilan sa mga teachers namin? Surely, her passport excuse won't work on them thrice! I barely believed her the first time I heard it. Paano pa kaya sila?

Just an ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon