Chapter 2

1 0 0
                                    




Kahit naka pikit pa ako at nasa panaginip ko,ay rinig pa din ng tenga ko Ang pag salampak nang de-bubong naming pintuan.

Ayun nanga at kahit naka pikit pa ako, walang patawad ang Lola Kong batuhin Ako ng Kong Anong napulot niya sa kwarto ko.

"Aray!"napahawak Ako sa Ulo ko,dahil mukhang matigas ang bagay na itinapon Niya sa akin.

"Tigas mo talagang bata ka!?Anong sinabi ko sayo...tigilan mo na yang paghahanap ng trabaho at may pasok ka na sa katapusan!"hiningal pa si Lola sa pagsasalita.

Tumayo na Ako sa sahig,dahil sa sahig Pala Ako Naka tulog kagabi,Hindi man lang Ako umabot sa kama ko,kahit ang lapit nalang.

"Ayuko ng mag aral,mag t-trabaho nalang ako,ilang beses ko nang inu-ulit sayo la"mahina Kong saad habang nag liligpit ng kalat.

"Ha!ke Bago-bago mo panga lang nag desi utsong Bata ka,sabik ka na sa trabaho?"kahit sa kapitbahay alam Kong rinig nila Ang boses ni Lola.

Tama si Lola desi utso pa lang ako,at noong nakaraang linggo lang ako nag birthday,at tama ding pineke ko Ang BioData ko sa ilang pinasukan Kong trabaho,Ang sama ko,pero Wala akong choice,tss kahit nga matanda na ang hinahanap pa rin nila yung may experience pa din.

Gusto ko lang naman mag trabaho,dahil na aawa na Ako sa Lola ko sa palengke.May sideline Naman Ako nag o-online selling ako at minsan nag pa-part time job sa linggo sa bar,para tumugtog ng piano at ngayong bakasyon,nasa store din Ako  nag bebente ng cake para maging helper,Ang kaso ay patapos na ang bakasyon at pasukan na sa katapusan,kaya kailangan Kong e give up lahat ng pinag kaka-abalahan ko,pero sa istado palang ng kalagayan namin Ngayon,gusto ko nalang mag trabaho mag f-first Year college na ako,siguradong madaming gastosin sa kolehiyo,kahit pa scholar ako,Hindi ko kayang mag aral,habang Ang Lola ko nag kakayud para sa pagkain Namin.

Hindi dapat jina-judge ang nahuhuli.Dahil ang buhay ay Hindi Karera.

May balak naman talaga akong Ipatuloy pa ang pagko-kolehiyo ko.Pero madali lang balakin.Dahil mukhang Hindi ko muna gagawin.

Pero ayukong Mang-lumo si Lola,dahil ang parating sinasabi niya sa akin.

Ako daw Ang pangarap Niya.

"La kumain ka na po?"balik Kong tanong,kahit pay umu-usok na Ang ilong Niya.
Hindi Ako pinansin neto at lumabas na sa kwarto ko.


LUMABAS na Ako sa banyo,habang nag pupunas nang buhok.

pagkatapos Kong mag bihis ng maong at itim na over size t-shirt ay isukbit ko na ang aking fanny pack sa balikat pa ikot,at Ang huli ay Ang itim kong sneakers.

Ayan tama na!Gumayak na Ako sa labas at isinarado ang main door Namin na gawa sa bubong.

Wala si Lola sa labas,kaya siguradong nasa palengke na iyon.


"Good morning po tita"bati ko kay tita melody pagkatapos pumasok sa store,siya ang may Ari Ng store na sina-sideline-nan ko sa isang store Kong saan bida Ang customize cake.

Kinuha ko na Ang apron sa lamesa,at nag simula ng mag walis,habang si tita melody Naman ay nag Hihintay sa oven.

"Sa katapusan na ang pasukan"narinig Kong Sabi ni tita melody,humarap Naman Ako sa kanya ng parang Hindi narinig Ang sinabi Niya."Po?....t-teka lang po mukhang may Nakita akong ipis don!"la-lagpasan ko na sana sya ng hinawakan nya ang braso ko,taka ko Naman syang nilingon.

"inday,mag aral ka"

Ayan na naman sya sa Inday nya.

"Alam ko Ang pina-plano mo,Hindi mo gusto pumasok sa kolehiyo,dahil sa Lola mo...Inday,Hindi naman masama makaramdam ng awa,pero kumustahin mo muna Ang Lola mo Kong Hindi sya masasaktan sa Plano mo"mahaba man Ang sinabi ni tita melody,pero lahat Ng sinabi niya bumaon sa dibdib ko na ngayoy kumurot nalang bigla.

Bigla akong nanlumo kaya nabitawan ko ang walis na hinahawakan ko.

"T-tita"

"Alam mong pangarap ng Lola mong Maka-pagtapos ka....kaya yun man lang mapasaya mo sya"bigla nalang tumulo ang luha ko sa mga sinasabi ni tita melody,sinsero niya iyung sinasabi,siguroy bigla nalang pumatak Ang Luho ko ay nakikita ko Ang Mukha ni Lola.....sa mga pag hihirap nya mula noong nag ka muwang Ako,nasaksihan ko lahat yun,Mga pang ma-mata sa paningin ng iba naming ka-anak,mga pang-liliit nila sa amin Ng Lola ko.Lahat ng Yun na alala ko.

Ngumiti ako ng sensiro Kay tita melody,mabait ito at ma-alagang amo,Wala itong anak at ang asawa niya ay seaman,madalas ay Ako lang Ang naka-kasama niya sa store nya,kaya kita ko Ang kabaitan nito simula ng mapasok ako sa tindahan nya.

Hinaplos ko braso ni tita at nag pasalamat.
Sa boung Araw ko ay tatlong order na cake Ang natapos ko,at alas otso na nang Gabi ngayon,kaya pagod akong lumabas sa tindahan nila tita melody pagkatapos mag paalam.

Nag stretch lang Ako ng braso,bago kinuha Ang selpon ko sa fanny bag ko,nag isip pa Ako Kong tatawagan ko ba si carlos...baka ma istorbo ko sya...

Pero tinatawagan ko pa din sya.
Tumambay lang muna Ako sa kilid ng kalsada habang nag d-dial sa selpon.Sa pang anim na ring,doon na sinagot ang tawag ko.

"H-helo,Carlos?"mahina Kong saad sa kabilang linya.

"Oh babe"Ang boses niya ay parang kagigising lang."Nagising ba kita?"

"Oo,bakit ano bang sasabihin mo?"

"A-hm Isaw sana tayo,P-pero sege lang! matulog kana ulit,uwi nalang Ako deritso"nabitin ko siguro ang tulog Niya dahil matagal niya iyong sinagot.

"Sege bihis lang Ako, hintayin mo Ako sa parke"bakot Niya Mang pag ka-kasabi,pero sa narinig ko sa kanya,ay bigla akong sumigla.

"Talaga?sege hintayin nalang kita,salamat Carlos!gusto ko kaseng mag isip Muna Ngayon na Kasa-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin,dahil na call ended na,pinatay niya na ang linya.

Baka Hindi sadya.


HALOS MAG I-ISANG Oras na akong nakatambay sa parke,pero walang dumating na Carlos.

Nag sisimula na akong mag alala kay Lola,dahil naka uwi na Ngayon Yun.sigurado ako....baka nga tulog na.

Ang mga vendors ding naka toka,ay nag sisimula nang mag sara.Mag a-alas diyes na Kase ng Gabi.

Hindi na Ako Naka tiis,tinawagan ko na ulit si Carlos.Nag ring lang at walang sumagot.

Gago ba sya!?Ang lapit lang nang baranggay nila dito sa palengke!Kong Hindi sya pupunta at Kong may mahalagang nangyari mag text sana sya!

Nag sisimula ng mag init Ang Ulo ko.
Dalawang linggo na ring Hindi sya nag papakita sa akin,tapos Pati ba Naman ngayon!

Uuwi na Ako!

Biglang tumunog ang selpon ko.

"BABE"

-Babe,I'm sorry maybe sa su-sunod nalang?I'm really sorry okay nag txt kse si mama,dumating daw si kyla galing Canada,kailangan ko syang sunduin.ily

Sa mahaba niyang text,Ang unang pumasok sa isip ko ay Kong sino si kyla.


Lovin' Him Was Red Where stories live. Discover now