Chapter 4

6 0 0
                                    


PRECLINICAL ALZHEIMER'S DISEASE.

Yun ang sabi ni Dr.Sarmento.

"Anong pwede kong magawa doc"Sinusubukan kong maging mahinahon,pero Hindi padin tumalab dahil nanginginig Ang katawan ko.

"Alzheimer's illness remains incurable.It is a loss of brain function that might lead to dehydration, starvation or infection in the later stages.These complications may end in death"saad ng Doktor.

Nag punas ako ng luha,sabay tanaw Kay Lola na ngayoy nasa Hospital bed,naka tulala ito.

Fifty eight na ang Lola ko,pero hindi ko aakalaing darating ang karamdaman niya ngayon sa ganitong edad.

Tumawag kanina si Tita melody,tinawagan daw sya nang kasama ni Lola sa palengke na Isa rin sa nag bebenta ng gulay,naka tulala daw ito at Hindi Maka-usap,may namimili daw at sinusungitan nya,nag taka ito Dahil Hindi naman ito ganyan,kaya dali-daling tinawagan Ng Kasama ni Lola sa palengke si tita melody.

Marami pang sinasabi na advice Ang Doctor,kalakip na roon ang mga gamot Niya.

Pinag pahinga ko si Lola sa kwarto nya.At doon ko tiningnan ang mga gamot ni lola,Hindi ito Ang ni-reseta Ng doctor.Pumunta Ako sa kwarto ko,Dalawang libo higit nalang iyon,dahil nag groceries Ako at bumili narin ng mga gamit ni lola.

Napahilot ako ng sentido.

Alam kong Hindi ko kakayanin,may balak na sana akong mag aral sa pasukan,pero talagang Hindi ko yun magagawa.

Natulog Ako sandali,at naalimpungatan ako sa ingay mula sa kusina.Dali-dali akong lumabas,at doon ko nga nakita si lola-nag ha-halughog sya sa kusina.

"La,anong hinahanap mo"tanong ko rito,pero Wala padin sa akin ang atensyon niya.

Yumuko Ako para pantayan sya,doon ko nga nakita ang madumi niyang damit na-nahahaluan ng kape.Tinaas ko agad Ang damit niya para Makita ang balat niya Kong may paso ba ito.

Naka-hinga Ako ng maluwag dahil Wala Naman itong paso."La,ano pong hinahanap nyo"Tumayo nasya,at tiningnan Ako.

"Nasaan ang baso?bakit wala tayong mga baso"tanong niya sa akin habang iniisip.

"La nandito po Ang baso natin oh"turo ko sa cabinet.

"Magkakape ako"alam Kong tapos nang mag kape si Lola,pero sinabi ko paring ipag titimpla ko sya.

Umupo Naman sya sa de kahoy naming sofa.Pag katapos ng umagang yun,ay binalak kong pumunta kela Mira para manghiram ng Pera,Hindi pa Kase sapat pang-bili ng gamot ang Pera ko.

"One thousand lang mabibigay ko sayo ha,sensya na,nag bayad Kase ako ng renta kahapon"saad ni Mira,pinipilit niyang isama ko sya pauwi sa amin para kumustahin ang Lagay ni Lola,pero Hindi ko sya pwedeng ipa-absent,alam Kong bawas sweldo iyon sa kanya.

"Okay nato,Meron pa naman Ako....babalik ko pag may raket"nginitian naman Ako nito at niyakap.

Habang bumibili sa Parmasya,tumunog ang selpon ko,at doon ko nga nakita ang text ni Carlos.

Babe

Hi babe,mag papadala Ako ng Pera sayo,merong pupunta dyan... Inutusan ko.Ahm may 3 days Kase kami na vacation ng tropa ko,dont worry my cousins are with us,txt txt nalang lovyou.

Bakasyon?At saan naman kaya.

Reply to him

Wag kana sanang mag padala Ng Pera nakakahiya,pero salamat..ibabalik ko pag may Pera na Ako,salamat sa tulong,And take care enjoy!lvyt.




Lovin' Him Was Red Where stories live. Discover now