Introduction

67.6K 2K 1.7K
                                    



I loved you. I was in love with you. Deeply and madly.

But then, dumadating talaga sa punto na iiwan mo na ang isang tao kahit na gaano mo pa sya minahal noon. At dahil lang sa isang masakit na dahilan. Nagsasawa ka na.

Nagsasawa ka na, pero alam mong meron pa rin.

I chose to break up with him because I thought we weren't ready. Because we were too young. I know I didn't want to break his heart, but when I left him, I knew it was the right thing to do.Or am I wrong?

Dumilat ako nang maramdaman ko ang init mula sa nakabukas na kurtina. Ngayon ang unang araw kong muli sa Pilipinas, galing sa Canada.

It's been 5 years.

Nagvibrate ang phone ko dahil sa tawag ni kuya Ashley. Agad ko iyong sinagot kahit na antok na antok parin.

"Kuya Ash!"

"Musta Pilipinas, Princess? Sunod na lang ako, walang kasama si Yvette dito. Ayaw mag-isa." Tumawa pa sya.

"Ito, mainit parin!" Tawa ko. "Paki-sabi kay Jack, miss ko na sya!"

Jackson Grant is my boyfriend. 2 Years na kami.

"Alright, tsk! So clingy!" Bumuntong hininga sya at tumawa ulit.

Binaba ko ang tawag at nag-ayos ng isusuot. Makikipagkita ako ngayon kay Loraine, my bestfriend.

Nang matapos akong mag-ayos ay sumakay na ako ng taxi para makipagkita kay Loraine sa isang mall. Ang akala ko ay late na ako, pero mas late pa sya! Talaga naman oh.

Pumasok na lamang ako sa isang coffee shop ngunit agad ring natigilan. I.. saw him.

Nakita ko sya na nakatingin sa phone nya at mukhang may tinetext. Nakakunot ang noo nya at malamig ang dating. Ganung-ganun parin, kagaya ng dati. Mas lalo lang tumapang ang itsura nya. Mas lalong naging intimidating. Lalong naging cold.

Tumalon ang puso ko dahil sa kaba nang bigla syang tumayo. Doon ko lamang napansin na ang laki ng tinangkad nya! Hindi nya pa ako nakikita.. pero palabas yata sya kaya naman.. nagtama ang mga mata namin.

Masama ang paghihiwalay namin kaya naman ang akala ko ay hindi nya ako papansinin. Ganun naman sya. Ganun sya. Iyon ang alam ko.. ngunit bahagya syang ngumiti saakin. That cold smile na parang walang pakialam. Ang ngiti na tinuro ko sa kanya noon na ibigay sa ibang tao to show na hindi sya masungit.

"Hi, long time ah.." Sabi ko. Alam kong awkward na makipag-usap sa ex mo, pero naandito na ako. At sya naman ang unang ngumiti.

Tumango lang sya na para bang hindi sya nasaktan noon. He's not mad nor is he happy to see me. He just looked at me plainly, like how he used to look at other girls before when he was in love with me. Like we never shared memories together. Ni hindi sya awkward kagaya ko.

Nakakatuwa, masaya ako na naka-move on na sya. Kilala ko naman si Pierce, hindi sya aakto ng ganito kung may galit o nararamdaman pa sya saakin.

May dumating na babae. Matangkad sya saakin ng ilang pulgada, medyo morena at mukhang masungit. Maganda sya.

"Sorry Pierce, ang bagal kasi ni tito magdrive eh!" Sabi nya habang inaayos ang magulong buhok na dulot yata ng hangin. Napatingin sya saakin dahil kalapit ko lang si Pierce. "Uh, hi?" Ngumiti sya.

Wow! May iba pala syang kasama. I think, girlfriend sya ni Pierce? Syempre, sa ilang taon ba naman, hindi pa sya makakamove on? Matured na siguro sya ngayon, at magaling na pumorma sa babae. I'm so happy for him.

Umayos ng tayo si Pierce at ngumisi sa babae, kung tumingin sya sa kanya ay para bang matagal nya na syang kilala. Naalala ko tuloy kung paano sya tumingin saakin dati. Ganung-ganun rin.

Naglakad sya ng kaunti papalapit sa kanya, at palayo saakin.

"Si Princess," Sabi ni Pierce sa babae, tinutukoy ako. Matapos ay minuwestra nya ang babae saakin. "She's Irene, my girlfriend."

Author's Note:

You asked for this! Kaya ayoko ng book 2 ay dahil ito talaga ang naiisip ko. Sa ibang nakabasa ng The Knightless Princess, pwede nyo na po itong hindi basahin. Magstick na lang kayo don sa book 1 para happy! Hahahaha!

TKP II: Am I Wrong?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon