AIW 2
Para sa akin, October at November ang pinakamagandang buwan sa Canada.
Pero sa nangyayari, hindi ko na magawang magustuhan ang buwan na 'to. Kabang-kaba ako. Nasugod ulit si papa sa ospital, nadadalas na naman.
Umupo ako sa upuan na nasa labas ng ICU. Nakagat ko ang mga kuko ko sa pagaalala. Nitong September ay sinugod s'ya sa ospital, pagkatapos ay nagpabalik-balik na s'ya.
Simula noong maaksidente si Papa, hindi na s'ya bumalik sa dati.
Nahilamos ko ang mukha ko.
"Princess.." Dumating si Jackson.
"Jack.." Niyakap ko s'ya. I'm so scared. Sila mama ay nakaupo lamang, alam kong kinakabahan rin.
"Hey, it's okay. Be strong. Your dad is gonna be just fine." Hinawakan ng dalawang kamay n'ya ang mukha ko.
Tumango ako. Kailangan.
Hindi nailabas si Papa sa ICU ng gabi na 'yon. Tanging sila Tita Angela lamang ang tumutulong sa bayarin namin, si mama ay nagta-trabaho at naubos na rin ang pera ni Papa pati na rin ang retirement pay n'ya sa pagpapagamot.
Naaawang tinignan ko si mama. Nakatitig lamang s'ya sa kararating na hospital bill. Niyaya naman ako ni Jackson na bumaba para bumili ng makakain.
"Princess, I can help. You know that, right?." Ani Jackson.
Kumunot ang noo ko sa kan'ya. Ang pagiging Canadian n'ya ay kitang-kita sa features ng mukha n'ya. Kita ko ang pag-aalala sa kulay berde n'yang mga mata, dark brown ang kulay ng buhok at kilay n'ya.
"I can pay the hospital bill.."
Umiling ako kay Jackson. "Jack.. no, we can't--"
"Come on, Princess, now is not the time to turn down my offer. Ashley told me your family is having financial problems." Inayos n'ya ang buhok ko at napayuko ako. "You can lean on me.."
Lumunok ako. "Jack,"
Ngumiti s'ya. His brooding green eyes stare at me even more. "I will help."
Hindi ko man aminin ay kailangan namin ng tulong n'ya. Pero sobra-sobra na ito. Nakakahiya na.
Hinatid ako ni Jackson sa aming bahay. Naiwan doon si Mama at ang kapatid kong si Samuel ay nasa bahay na siguro. Nang makababa ako ng kan'yang sasakyan ay bumaba rin s'ya.
"Are you okay?" Tanong n'ya at hinawakan ang mukha ko. "Look, I know it's hard for you but I'm here.."
Tumango ako at naiyak. Naawa ako kay Mama. Simula noong dumating kami dito ay puro na lang problema.
"Thank you, Jack." Bulong ko.
Ngumiti s'ya. "Walang ano man."
Natawa ako sa sinabi n'ya. Hindi n'ya kasi matuwid ang Tagalog words.
Hinalikan n'ya ako sa noo, nakatingin lamang ako sa kan'yang sapatos.
"Bye, Jack. Drive slowly, alright?"
Nagbuntong hininga ako. Jackson is a good friend. He is just being a good friend to me.
Nang maka-alis ang sinasakyan ni Jackson ay humarap na ako sa aming bahay. Bago ko mabuksan ang pinto ay nakita kong may lalaking nakatayo sa gilid.
"He should keep his hands away from you." Anito.
Narealize kong si Pierce iyon nang umalis s'ya sa pagkakasandal at nailawan na ang mukha n'ya ng street lights.
BINABASA MO ANG
TKP II: Am I Wrong?
General FictionAm I Wrong (The Knightless Princess Book 2) By SexyKisser