Bigla akong nagising dahil sa parehong panaginip nanaman. Napahilamos ako ng mukha, my heart is beating so fast. Nang kumalma ay napatingin ako sa bintana, it's already dark. Ni hindi pa ako nakakalabas mula kanina. Nakaramdam na ako ng gutom.
I checked my phone, it's 6:30 PM already. Tumayo ako at niligpit ang higaan, pagkatapos ay lumabas narin ako ng kwarto. Ako lang mag-isa dito sa apartment, it's been 2 years since I started living alone. Dalawang taon na rin simula nung mawala sila mama at daddy. Up until now ay hindi ko pa rin tanggap ang nangyari sa kanila. The money I used to pay my rent and other bills is from the insurance I get after they died. Pero may work naman ako, I must work even though sapat naman ang perang natatanggap ko, pero it's not for life.
"Ahh!" sigaw ko nang mapaso ang dila dahil sa init ng kape. Pinaypayan ko ang dila gamit ang kamay.
"Shit! ang tanga mo naman, El" saad sa sarili. Kumuha ako ng cold na tubig para inumin. I forgot, di pa pala ako nakakain. So this will be my first meal of the day. Maraming kainan ang nakapalibot sa apartment na tinitirhan ko. Kaya when it comes sa food, wala akong worries. Tyaka di rin ako nagluluto, even though marunong naman ako, it's a waste of time, lalo na't ako lang naman mag-isa.
Sabado ngayon, kaya after kong kumain ay mag-aayos narin ako agad dahil may work ako ng 9 PM.
"Hello manang Chuchay, pabili nga po" isa isa kong tiningnan ang mga ulam na nakahilera.
"Magandang gabe El, pumili kalang d'yan"
Mabilis kong tinuro ang adobong atay ng manok na may itlog.
"Isang serve ngapo nyan manang" nginitian niya ako.
"O siya, umupo kana don at i se-serve kolang sa'yo, ilang rice ba?"
"Isang rice lang po manang, tapos pwedeng isang sabaw narin po ng nilaga, and mountain dew po, thank you"
Pumwesto ako sa may bandang gilid sa unahan. Madaming tao, lasap na lasap mo talaga ang usok ng mga nagtitinda ng inihaw. Nung una, medyo naninibago pa ako dito. Ang layo sa nakasanayan kong buhay. Nung buhay pa yung parents ko, ang ginagawa ko lang is gumising tapos may nakahanda nang pagkain, at magbibihis. Hindi ko ine-expect na ganito pala ang tinatawag nilang real world. Kailangan mong kumayod para mabuhay ka.
"Salamat po, manang" saad ko nang matapos niyang e serve lahat ng inorder ko sa lamesa. Nagdasal ako bago kumain. Paborito ko talaga ang atay, especially yung ganitong luto. I tried savoring it, nakakamiss yung luto ni Daddy.
May nag pop up na message sa phone ko habang kumakain, uminom muna ako ng mountain dew before ko ito binuksan.
Zai:
8:30 daw dapat nandito na tayo, may tatlong VIP na nag book. Ikaw yung mag se-serve sa isang room.
Napatingin ako sa oras, 7:33. Dali dali kong inubos ang pagkain pagkatapos ay nagbayad na. Mabilis akong naglakad papasok ng unit ko. Yung apartment ay nasa isang parang compound na may gate. Meron din akong sasakyan, regalo ito nung parent's ko 4 years ago, nung nag debut ako. Hindi konaman ito masyadong ginagamit, kapag may mga importanteng okasyon lang. Nagbihis ako ng uniform namin, tyaka konting make-up. Naka messy bun lang yung hair ko kase doon konalang aayusin. May extra clothes din naman ako doon sa locker ng workplace ko kaya no worries if need kong magpalit.
Chineck ko muna ang mga gamit ko, and then ang mga wires na possible na nakasaksak lang. So far wala nanaman, kay umalis na agad ako after kong ma lock ang unit.
Mabilis akong tumakbo papunta sa paradahan ng jeep. Sabado ngayon kaya madaming tao ang lumalabas, punuan ang jeep.
"Oh isa pa dito" sigaw ng barker. Agad akong pumasok sa jeep, kinapa ko ang aking bulsa kase naglalagay na ako ng coins para di na hassle kapag nagbayad ako ng pamasahe.
YOU ARE READING
She's Red - (Rainbow, The Series #1)
RomanceHave you ever wondered how, why, and when did all the changes started? I once believe that loving someone could save you from all the miseries in life, but I never thought that it would become the cause of my greatest misery. As I am kneeling down...