- ෆ

15 1 84
                                        

"Bri? gising na, malapit na dumating sila rhi." I heard vey‘s voice kaya minulat ko na rin ang mata ko.

Pagka mulat ko, agaran ko namang nakita si vey ngayon na nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Anong plan mo?" She asked me pero hindi ko s’ya masagot.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bedside table ko and saw the date today.

8:07 a.m.
October 23, 2023

Bumigat ang pakiramdam ko at nag labas ng malalim na pag hinga.

Isang taon na pala bukas, tangina, miss na miss ko na s’ya.

I sat and hugged my knees as I felt tears form in my eyes. 

No, I need to be productive today, for him..

"Mabigat nanaman?" She said and lean closer to held me.

"It’s okay, he’s proud of you, okay?" Saad ni vey kaya tumango na lang ako.

After a minutes of me trying myself to calm, bumangon na rin ako at naligo.

I want my first anniversary to be happy, the happiest.

Pagka tapos ko mag ayos ay lumabas na rin ako ng kwarto ko and I saw na nandoon na sila rhi and ivan.

I smiled when I saw them and they gave me a warm hugs.

"Nasaan si rae?" I asked.

"Na sa parking lot na, nag hihintay. Ano tara na?" Saad naman ni ivan kaya tumango nalang ako.

"Wala na bang na-iwan?" Vey asked ng makalabas kami ng unit namin.

"Wala na, tara na." I said kaya pumunta na kami sa elevator.

Dahil galing lang naman kami sa 3rd floor, mabilis lang kaming nakarating sa parking lot.

Pagka baba namin, I saw raegan waving his hand sa ’min kaya tinuro ko.

Pagka rating namin sa kan’ya, pumasok na rin kami sa loob ng sasakyan.

Ivan, vey, and rhi ang na sa likuran namin habang ako ang na sa passenger seat at si raegan ang driver namin.

"Angas natin ngayon ah, may popormahan sa mall?" I asked him kaya natawa nalang kami.

"Maangas naman ako palagi, kaso nakapikit ka kaya ayan ngayon mo lang nakita." Sagot naman n’ya kaya natawa nalang din ako.

"Ang layo pa natin, mag patugtog naman kayo oh!" Pag rereklamo ni ivan sa may likuran ko kaya hiningi ko ang phone n’ya para i-connect sa speaker ng car.

After i-connect, binalik ko na rin sa kan’ya.

I saw his wallpaper kaya inasar ko s’ya.

"’Di pa nakaka move on kay sandria?" I asked habang nakatingin sa mirror sa harapan para tignan ang reaction n’ya.

"Ulol, lampake. Tsaka kana mang-asar kapag naka move on ka na rin!" He said at namakyu pa.

Live For MeWhere stories live. Discover now