Bulate Chronicle

6 0 0
                                    

" Mommmyyy! Magagalit ba kayo ni Daddy if mag shift ako ng course, like mag albularyo na lang siguro ako. Hindi ko na ata kaya Maaa.."

Gusto ko lang naman magsuot ng scrub suit at white gown katulad ng mga napapanood kong kdrama. I really find it cool, ang angas. Tapos may stetoscope na nakasabit sa leeg habang may kasunod na mga nurses while doing their rounds. Isa pa, curious lang ako kung ano ba yung brown soap na ginagamit paghuhugas ng kamay bago pumasok sa operating room. Kung pinupunasan ba talaga ng nurse ang pawis ng doktor while performing a surgery. And syempre kung magiiba pa ang penmanship ko pag nakapasa na ako at magbibigay na ng reseta, required ba na parang sumasayaw na bulate ang sulat?

Hindi ko naman akalain na dugo at pawis pala ang puhunan bago ako matawag ng doktora.

" What happened to my optimistic daughter?" sagot ni daddy habang kumukuha ng meryendang turon na inihahain ni Nanay Nelly. " Saan ka naman magtatayo ng clinic pag naging albularyo ka? " Tumatawang tanong naman ni mommy.

" Mom, Dad..sapat na bang ganda lang ang maiaambag ko sa pamilya natin? You're both satisfied with Kuya Rui and Kuya Rye's achivements right? "

" Think it over, rest your mind if you must so you can assess yourself. You keep on blabbering about being a doctor since you were ten. Whatever your resolve would be, susuportahan ka namin anak" My loving mother uttered as she gave me a glass of soda. And that is enough motivation for me.

" Pero wag naman sana anak mauwi sa albularyo" tumatawang sagot naman ni daddy.

My parents are my greatest treasure, we don't have much but they make sure na maibibigay nila sa amin ang best kind of education. We are five in the family, I, Olivia Rae is the youngest, currently on my second year in med school. I have two older brothers, the eldest is my Kuya Alistair Rui, a commercial pilot. Then my Kuya Tristan Rye, a law graduate whose now reviewing for the bar. My father, Arthur Miguel Monte Carlo owns an engineering firm, it's not a multi millionaire big but he worked with some of the biggest names and players in the real estate and infrastracture industry. While my mom, Natalia Knoa is an accountant and a high executive in a private company.

" Ikaw Rae ha, wag ka lang talagang lalapit sa'kin kapag may nag file sayo ng kaso for misdiagnosis! " that's Kuya Rye.

" Kala ko ba mahal mo ako kuya, akala ko ba kakampi kita, akala ko ba ipaglalaban mo ako? Lagi pa naman kitang pinagdadasal na makapasa sa bar tapos eto lang pala ang igaganti mo sa akin? How could you? " maarte kong sagot.

" That's so cringy Rae! Mag audition ka na lang siguro sa PBB, strong point mo yang pagiging baliw mo. It's unique kasi hindi nila agad mahahalata sayo" pang iinis na sagot neto.

" Mom, Dad..maybe it's about time for you to tell the truth. Matanda na si Kuya Rye, hanggang kailan nyo ba itatago sa kanya? " sabay na napatingin sa akin ang parents ko. Nakakunot ang noo.

" Tell me what, mom?" di na maipinta ang mukha ni Kuya Rye. His hands holding a piece of turon is left hanging as he wait for my parents response.

" Mom, tell him! Tell him the truth. Tell him na ampon lang sya! " i say this as both of my hands are holding my head, then it moved down to my chest as if Im hurting and crying.

" Ikaww!!! Wala ka na namang maisip na matino. Why don't you try to be like your friend Riela, normal naman sya kahit matalino." Inis na inis na sabi ni Kuya Rye, kulang na lang tusukin ako ng tinidor. Mabuti na lang nakatakbo ako agad sa likod ni daddy. " Mom, Dad, pa check up na po siguro natin yan si Rae. She's getting worst!"

" Tumigil na kayong dalawa, mauuwi na naman sa away yan. Di mo rin naman matitiis yang kapatid mo Rye kapag di ka kinausap nyan. Saan ka pala pupunta? " said my mom who I think is getting tired of our cat fight. Hearing those words, i immediately stuck my tongue out and mouth a "bleeh, pangit mo" to him to make him more annoyed.

When all the stars alignWhere stories live. Discover now