chapter 6

1 0 0
                                    

Terrence POV

"Totoo ba kuya???" Napalakas ata yung boses ko dahil tinitigan ako ni kuya ng masama.

"Oo confirm si Steffanie Villafuerte yung ikakasal kay Yael." Mahinahon niyang sinabi habang yung attention n'ya nakatuon sa mga papeles.

"Alam na ba nila kuya harley?" I asked. He just nodded as an answer.

"By the way kuya nakita ko yung latest post ni Kia... umuwi na siya ng pilipinas." Napatigil si kuya sa ginagawa niya at tumingin sa akin ng seryoso.

"Alam na ba ni Kian yun?" ramdam ko kay kuya yung kaba

"Gladly hindi pa pero sana di na sila ulit magkita." I said, muka namang nakahinga si kuya ng maluwag sa sinabi ko.

Kinabukasan, sabado naman kaya pumunta ako kanila Ben. Kasama ko si Kian, mukang tuwang tuwa tong isang to, wag n'ya lang sana malaman na nandito na si Kia.

"Ben... may tinapay kayo nagugutom na ako..." sabi ni sean, nandito din pala siya.

"Wala ba kayong makain at dito ka na lang lagi nag-aalmusal?" Banas na tanong ni ben.

Si ko na sila pinansin dumeretso na ako sa kwarto ni ben. May kailangan ako kuhanin. Hinalungkat ko cabinet ni ben since may permiso naman ako. Hinanap ko ngayon yung notebook ko natinatago ko kay mommy.

Habang may hinahalungkat ako nakita ko sa pinakailalim ng damit niya... pamilyar tong babae sa picture.

Bakit s'ya may childhood photo ni Steffanie?? Magkakilala ba sila? Pero nung tinanong ko si Steffanie hindi daw... baka nagsisinungaling s'ya? O baka naman stalker pinsan ko?

May narinig ako paakyat kaya agad kong binalik yung picture pati yung mga damit. Pagbukas ng pinto bumungad agad si Ben.

"Nakita mo?" Tanong niya.

"A-a-ang alin?" Kinakabahan kong tanong, mas nakakakaba pa to nung sinabi ko kay kuya na bumagsak ako sa exam.

"Yung notebook mo." Bored n'yang sinabi.

"Hindi, san mo ba nilagay?" binuksan niya yung table cabinet n'ya at kinuha yung notebook ko.

"Bakit di mo pa kasi aminin sa mommy mo na mas gusto mo magsulat ng kanta kesa mag business ad?" Tanong nya.

"Ako na bahala sa sarili ko, ikaw asikasuhin mo sarili mo." Sabi ko at napailing. Ang dami nya nang problema, una si kate, pangalawa ngayon kung ano problema nya kay Steffanie.

"Kung kay kate tinutukoy mo, bumabawi na ako sa kanya, medyo nagiging maayos na kami. Nung nakita ko siyang bulag gumuho mundo ko." Sabi nya. Nakikita ko sa muka nya yung disappointment.

"Oo nga pala, si Steffanie yung ipapakasal kay Yael." Mahinahon kong sinabi. Tinitignan ko kung ano magiging reaction nya, pero wala akong nakuhang reaction.

"Si lola ang nagdecide wala tayong magagawa kapag siya na yung nag-sabi." Pinaglalaruan nya yung ibabaw ng lampara.

"Wala ka bang gagawin para pigilan yun?" Tanong ko pero tinitigan nya ako ng pagtataka.

"Ba't ko naman gagawin yun, malaki na yun, besides he likes Steffanie already." His reaction while saying those words seems normal but I can hear bitterness.

"Umamin ka nga may gusto ka ba kay Steffanie?" Tanong ko.

"Why would I?" He said and then left. This is interesting... Wala syang sinabing yes or no, so there is a possibility that this guy likes Steffanie. Pero kung hindi bakit may picture siya ni Steffanie??

Nagvibrate phone ko, si kuya pinapapunta niya akong office. Agad akong pumunta sa office nya di ko na sinabi kanila Kian. Nagmadali na ako dahil mukang importante yung sasabihin ni kuya.

Pagpasok ko ng office nya nakita ko si kuya Yuan nakahiga sa sofa habang may nakapatong na libro sa mukha. Mukhang tulog nanaman.

"Terrence, nasaan yung copy ng documents na binigay ni daddy nung nakaraan?" Pambungad nya na tanong. Naghahanap siya sa buong paligid, ang kalat ng table nya.

"Yung nasa brown envelope?"

"Oo, nasaan yun?" Lumapit ako sa desk nya at nilabas yung brown envelope. Muka syang nakahinga ng maluwag.

"Yun lang ba ang dahilan kung bakit mo ko pinapunta dito?" Medyo banas kong tinanong.

"Hindi lang yon, Nabalitaan ko si alfea engaged na." He said.

"Wait... alam na ba to ni kuya Theo?"

"Hindi pa. Sa ngayon ang proproblemahin natin ay yung engagement ni Yael. Pwede mo ba imbistigahan si Steffanie? Muka syang pamilyar sa'kin." Akala ko ako lang nakakapansin na mukang pamilyar talaga si Steffanie.

"Bakit di tayo magtanong kay Bradley, may nakita akong picture ni Steffanie sa loob ng cabinet ni Ben."

"Anong sabi mo?" Nagulat ako ng makita ko si kuya yuan seryosong nakatingin sa'kin.

"May picture si ben ng childhood photo ni Steffanie." Pag-ulit ko.

"Mukhang kailangan ko na makialam sa kapatid ko." Seryoso nyang sinabi. Nakakatakot talaga si kuya yuan, mas nakakatakot pa kay kuya.

“Baka naman napulot lang yun ni Bradley at tinago para ibalik ulit.” May point si kuya… maaaring napulot lang ni Ben yun. 

“Kahit na, ayaw ko matulad kapatid ko sa'yo o kay jairo.” Seryosong sinabi ni kuya Yuan at umalis. Tinignan ko si kuya yuan ng pagtataka. Ano meaning nya dun?

“What do you mean?” tanong ni kuya. Di lang pala ako yung nagtaka. 

“Anong ‘what do you mean’? Tingin mo di ko alam mga ginawa mo nung panahon ni hera at Jairo? Mukha akong laging walang pake pero alam ko mga ginawa mo. Hindi mo sinabi samin na alam mong ikaw dapat yung ikakasal kay hera. Pero pinilit mong hindi magpakilala dahil kay jairo. Pero dahil sa pasimpleng paglaban mo kay lola bukod sa pinasa kay Yael yung arrangement pinahirapan ni lola si jairo at hera.” Galit na sinabi ni kuya yuan. Ngayon ko lang na laman na ganun pala mga ginawa ni kuya… 

“Sana nanghingi ka ng tulong sa’min noon.” Dagdag n’ya pa. Iniwan niya kaming gulat ni kuya. 

“Terrence, umuwi ka na muna mamaya na ako magpapaliwanag sa bahay.” Malungkot nyang sinabi. Sa boses ni kuya alam kong guilty s’ya. Di na ako nagtanong pa, sinunod ko s’ya. Alam kong di nya masasagot mga tanong ko sa ngayon… pero aantayin ko paliwanag nya. 

Ilang araw ang lumipas di ako nakakuha ng explanation mula  kay kuya pero hinayaan ko muna, nirespeto ko muna desisyon nya mukang di pa siya handa mag paliwanag. Tinanggal ko muna sa utak ko lahat ng mga bagay na yun, siguro sa classroom na lang ako mag rereview. Pagpasok ko ng room nagkukumpulan silang lahat, napatigil lang sila ng makita nila ako.
Kasabay kong pumasok si Steffanie mukhang wala sa sarili, sa bagay kahit ako. sumunod na rin pumasok dalawa kong pinsan mga mukhang problemado, lalo na si Ben.

“Good morning class.” Pagpasok ng teacher namin, sumunod sa kanya ay isang estudyante na huli sa listahan ng gusto ko makita…

“Hi, I’m Sydney Kin Anthony, you can call me Kia for short… nice seeing ya’ll again”

I can sense the horrified look from everyone in this room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

marrying Buenaventura (Buena Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon