MEIKO'S POV
Mama.. Papa..
"Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you. Make a wish anak"
"I-i wish to be with my papa and mama forever" and i blowed the candle. Everyone is clapping and getting ready to eat.
"Let's eat na anak" sabi sa'kin ni Papa
Everything is alright.
Everyone is happy.
After the party, i saw myself opening my presents for my birthday.
"Wow,grabe ang baby ko na 'yan, andaming presents" sabi ni Papa
That time i was celebrating my 9th birthday, my parents always threw a lavish party in my Birthday.
"Mama, can you help me to unwrap this present po?" i asked
"Sure anak. Pa, halika rito, tulungan mo si Mikmik natin magbukas ng mga regalo"
"Ito na, sandali lang may kinukuha lang"
Lumapit naman agad si Papa at may iniabot sa'kin na kwintas.
"Papa, ano po ito? Mukhang mahal." sabi ko
"Regalo ko sa iyo, anak. Ingatan mo 'yan hanggang sa paglaki mo ha? Pinaghirapan ni papa 'yan." tugon n'ya
Agad ko naman siyang niyakap at nagpasalamat sa regalo.
Ilang oras ang nakalipas.. Nabuksan na namin ang mga regalo ng mga bisita at mga kamag-anak.
"Ang dami pala pero mas maganda 'yung regalo ni Mama. Thank you mama sa dollhouse!" agad ko itong niyakap at napangiti
"You're welcome anak basta laging good girl ha at pagbutihin ang pag-aaral. Mahal na mahal ka namin ng Papa mo" at naggroup hug na nga kami nila Mama
---
Tatlong araw matapos ang aking kaarawan ay nagbabalak sila Mama't Papa na magbakasyon kila Lola Liza.
Si Lola Liza pala ang Ina ni Papa, may katandaan na rin, siguro mga nasa 70s gano'n. S'ya ang laging nag-iispoil sa'kin ng mga gamit at ibang luho ko sa buhay. Minsan nga nag-aaway pa sila ni Mama dahil lagi nalang ako pinagbibigyan ni Lola.
"Mikmik, dalhin mo na ang mga dadalhin mo. Laruan, toothbrush, pagkain, mga gamit, o ano basta wala tayong makakalimutan dahil isang buwan tayo kila Lola mo"
Nag-iimpake na kami ng aming mga dadalhin para sa biyahe, dinala ko na lahat ng mga laruan ko dahil uunti lang ang natirang laruan ko sa bahay kila Lola Liza.
"Okay na ba ang sasakyan, Pa?"
"Oo, okay na. Hintayin ko nalang kayo"
"Anak, tara na at baka gabihin pa tayo" sabi ni Mama sa'kin, agad akong sumunod papunta sa kotse namin. Tinitignan ko ang bahay namin ng matagal bago kami lagi umalis.
---
Nakasakay na lahat at umandar na ang kotse. Inaantok na ako sa mga ganitong byahe kaya lagi ako nakakatulog pero ngayon sinusubukan ko magising.
Parang may naramdaman ako na kakaiba, hindi ko maipaliwanag kung ano. Parang may mali sa kotse. Ngunit nanatili akong tahimik
Nasa highway na kami ng mga ganitonh orad ng hapon. sakto walang dumadaan dito ngayong araw masyado kaya medyo binilisan ng unti ni Papa dahil malapit na rin kami sa bahay nila Lola.
Nung makapikit-pikit na ako unti ay biglang narinig ko na nagkekwentuhan sila ni Papa.
"Ma, alam mo. Pwede naman nating i-homeschool si Mikmik, sayang naman 'yung offer ng kumpare ko na modeling"
BINABASA MO ANG
GHOSTED
Lãng mạnBata palang si Meiko ay nakakakita na s'ya ng kakaiba sa kaniyang paligid, 'yung hindi nakikita ng ibang tao. Pero paano kung dahil sa abilidad n'yang ito ay dito n'ya na mahahanap ang kaniyang forever? o baka ang greatest mistake n'ya.