CHAPTER 1

11 0 0
                                    

Chantal Meiko Sandoval

Mama named me, dati n'ya pa raw gusto 'yang pangalan na 'yan for his future daughter.

But i've been always a "Daddy's girl", Papa always spoiled me with gifts and love. Tuwing umuuwi si Papa, lagi siyang may pasalubong para sa'kin pag galing s'ya sa work.

Si Mama lagi naman akong pinaglulutuan ng paborito kong foods, always there by my side pag may problema.

But now, sino na gagawa no'n para sa'kin?
Sino na nasa tabi ko pag may problema?
Sino na hihintayin ko umuwi galing trabaho?

It feels so different, without the two of u. Ma, Pa.

---

"MIKMIK! Ano na! You're gonna be late na sa school mo" sigaw ni Tita Yeng sa'kin

Nakatira na ako ngayon kila Tita Yeng, kinupkop nila ako pagkatapos nung aksidente, maayos naman ang buhay at kalagayan ko sa bahay nila. Sila Tita Yeng kasi walang anak kaya nung nalaman nilang gano'n ang sinapit ng mga magulang ko ay agad na nila akong kinupkop.

"Ito na tita, pababa na po" sagot ko rito, dali dali naman na ako bumaba para kumain, tinignan ko muna ang oras

6:20am, okay hindi pa ako late.

Umupo na ako at kumain na sa hapagkainan, ilang taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin ako sanay na hindi ko kasabay sila Mama't Papa. Kailan ko kaya sila makakasama ulit, kahit alam kong hindi na sila babalik.

"So, excited ka na ba sa first day mo?" tanong ni Tita,i was snap backed in reality agad kasi kanina pa ako nakatulala.

"Sakto lang po, tita. Baka sila pa rin naman maging kaklase ko" sagot ko rito and smiled at me.

"Basta whenever there's a problem sa school, just text me. Okay pa ba cellphone mo?"

"Nasira na nga po kagabi, tita. Ayaw na ma-open" sagot ko rito and may inabot s'ya sa'kin na paper bag and whispered to me na buksan ko.

Agad ko naman 'tong binuksan and shocks. IPHONE 15 NA WHITE TITANIUM HUHU

"That's for you, Mik. Take it as a gift from me. 1TB na kinuha ko para sulit if you take pictures to be your memories" Tita Yeng said and i hugged her tightly. Mayaman din kasi sila Tita Yeng, they own a company just like my parents do pero now sila na naghahandle ng business.

"Thank you, Tita. Promise po, iingatan ko 'to sobra" i smiled

"Oh sige na, una na muna ako. I have a meeting pa, pahatid ka nalang kay Kuya Jonjon mo. I'll inform him na ihatid ka sa school

Tumango nalang ako at kumain na, napatingin ako sa relo kung anong oras na. Baka kasi late na ako huhu.

6:30am. Okay 20 minutes pa, not late.

After kong kumain ay nagtoothbrush na ako and inayos na mga dadalhin ko at inilagay na sa bag. Sinuot ko na rin 'yung kwintas na bigay sa'kin nila Mama't Papa, it made me feel na lagi ko pa rin silang kasama.

Nung inaayos ko nalang bed ko para makaalis ay something is staring at me from behind, i know hindi si Tita Yeng 'yun kase kakaalis lang n'ya kanina and hindi naman si Tito Jeff kasi hindi pa s'ya nakakauwi.

I turned around and saw a girl na may hawak na teddy bear, kung idedescribe ang itsura n'ya ay madungis and wearing a dress. Ang inosente ng mukha n'ya.

"Ate, can you help find my mommy?" tanong nito sa'kin and hinawakan ang kamay ko, her hand is so cold. She's not alive anymore. She's already dead.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GHOSTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon