Second Slide

0 0 0
                                        


AYUMI's POV

nasa kalagitnaan kaming tatlo sa pag tulog ng isang ingay ang kanina pa bumubulabog saming tatlo.

Umaga naba!?......

"buksan nyo na nakakaawa yung kumakatok bugbog na yung kamay." dinig kung sabi ni briar pero nakahiga padin kami.

Tuloy tuloy ang galabog ng pinto at maririnig ang boses nila janzen.

Ano bang meron?? kakapikit palang ng mata ko umaga na kaagad!??...

hindi kona kinaya dahil sumisigaw na talaga yung tatlo na buksan namin yung pinto.

napatingin ako sa orasan at ang oras ay 12:56 na. tumayo ako at binuksan ang
pintong halos masira na kaka katok nila.

"wala kaming yelo ano bang mero-" Hindi kona natuloy ng biglang pumasok sina janzen at Ryle sa loob, mukang gigisingin narin sina briar.

"Ayumi pigilan mo yung antok mo." ani shion, naagaw naman ng ibang estudyante ang pansin ko, lahat sila nag tatakbuhan at nag sisigawan na.

a-anong meron?....

gising na yung dalawa at pinilit kaming lumabas ng kwarto, naguguluhan man ay sinunod namin silang tatlo.

Nanlaki ang mata namin nang ma realize na lumulobog na yung sinasakyan naming lahat.

"Punyeta sino ba naman kasing mag sasakay ng mahigit 400 na tao sa barko! nababaliw na sila!." Sigaw ni Briar at halata ang takot sa tono ng boses nya.

Ang barko ay binalot ng takot, sigawan, takbuhan at iyakan, marami ang nakaupo nalang sa sahig at tinatanggap na ang kapalaran nila..

"w-walang mag liligtas sating lahat." Utal na saad ni Ryle ng makita nyang wala manlang life jacket at boat na maliit sa napakalaking barkong ito.

nag hanap kami ng kahit anong pwedeng lumutang pero wala. Wala kaming nakitang kahit ano.

mabilis namang lumulubog na ang barko namin.

"What the hell!!! Seriously! walang life jacket sa barkong to! papatayin ba talaga nila tayo!." Sigaw ni janzen.

si shion Claire Ryle briar naman ay patuloy na gumagawa ng paraan, halos lahat kami ay naiiyak na, ni minsan hindi ko nakitang ganito ang tatlong lalake samin, alam kung hindi lang sarili nila ang inaalala nila, inaalala nila kaming mga babaeng kaibigan nila.

napatingin naman ako sa tatlong babaeng nakatayo at nag babalak nang tumalon, hawak hawak nila ang kamay ng isa't isa. nakatingin lang ako sakanya at tila ayaw gumalaw ng paa ko para pigilan sila, napapikit nalang ako at tuluyang tumulo ang luha ng bigla na silang mawala.

"wala na tayong magagawa, safire i have a rope, itatali ko ito sa bewang natin, para kapag lumubog na ang barko ay hindi sila mahihirapan na ipag tabi tabi tayo." napatawa nalang kaming lahat sa sinabi ni Shion, itinali nga nya iyon sa mga bewang namin at umupo kaming lahat.

hanggang sa pumasok na ang tubig dagat sa iba't ibang sulok ng barko ay tumatawa parin kami.

"Sayang yung mga video games ko sa bahay hindi kona matatalo si shion, hindi narin ako mag kakapera, hindi narin ak-." Hindi natuloy ni Ryle ang sasabihin nya ng bigla syang batukan ni shion.

"Mamamatay na tayo puro ka parin laro!." Saad ni shion.

ang random lang nila, nasa gitna na kami ng kamatayan ay puro parin sila biruan.

muli kaming tumayo ng umabot hanggang sa bewang ang tubig. napaiyak ako.

umabot na ito sa leeg ko at natapos na ang kaninang puro, sigawan at iyakan ng ibang estudyanteng nandito.

Mi note!;)
Shuuut na e excite akong
pag puyayan to!
(⁠•⁠ ⁠▽⁠ ⁠•⁠;⁠)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DARK ISLAND Where stories live. Discover now