Chapter 5

7 3 0
                                    


The party ended and it seems that Kainus really left dahil hindi na siya bumalik. Hindi na din ako nagabalang hanapin siya dahil nang lumabas siya ay agad din naman siyang sinundan ni Irina.

It's been days after my birthday at hindi ko na ulit siya nakikita sa loob ng mansion. But maybe they're staying somewhere else dahil hindi din tumatambay maski sila Kuya dito.

I just shrugged the thoughts and ate my breakfast. I'm still thinking if Irina and Kainus are back together? Ang pagkakaalam ko ay nag hiwalay sila matapos sumama ni Irina samin. After that, wala na siyang dinala na babae.

But he brought Irina to my birthday.

I scoffed. I'm expecting to much from him knowing na wala lang naman ako sa'kanya. I'm just his bestfriend's brother! Siguro magugunaw muna ang mundo bago niya ako mapansin. Who knows? Maybe he just sees me as his little sister? Or his bestfriend's sister?

Patapos na ako sa pagkain nang nakarinig ako ng mga sasakyan sa labas, followed by Kuya's voice. I heard the door opened at mas lalong lumakas ang boses nila.

"Well, I don't know. Kainus, he's unpredictable and no one can tell his next move." I heard Kuya Hale.

"Kainus' just probably playing Irina. Hindi naman talaga naging seryoso ang lalaking yan. He just bed anyone he wants and leave them." Kuya Bentley.

My heart dropped in disappointment. I don't like Irina but she doesn't deserve that. Mukha namang gustong gusto talaga niya si Kainus pero ginagamit lang siya ng lalaki para sa sariling kapakanan?

"Well, hindi naman nagrereklamo si Irina and let's not talk as if we don't do what he does," Kuya Alejandro. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. He's old enough to handle himself. I'm sure he's always holding himself accountable to every consequences of his actions and decisions.

"Ang hindi ko maintindihan, why is he saying those three words to Irina? Tapos iiwan niya tapos babalikan niy-" They entered the dining room.

I smiled cheekily at them. "Mga chismoso pala kayo." Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at mapang asar na tumingin sa'kanila. Itinuro ko ang mga nakahain sa lamesa. "Masarap ang chismis pag may kasamang pagkain."

I chuckled at their faces. Para silang batang nahuli na nagnakaw ng lollipop.

"Well, princess, look. That's not what we meant," Kuya Hale tried explaining.

Pero winagayway ko lang ang kamay kong hawak ang tinidor na may hotdog. Nagsiupuan ito sa dinig at kumuha din ng kanya kanyang pagkain. Nakaharap silang tatlo sa'kin at parang may kanya kanya silang explanation.

"It's fine. Hindi ko ipagkakalat." My eyes caught Kainus who's piercing eyes is on me, once again. Tanaw ko ang living area mula sa kinauupuan ko at nakatalikod naman ang tatlo dito kaya hindi siya nakikita. "Hindi ko sasabihin kay Kainus na pinagchichismisan niyo siya."

Nang tuluyan makapasok si Kainus ay nangunot ang noo nito habang nakatitig sa'kin. "Anong pinagchichismisan?"

His three friends froze, and then they slowly turned their heads to look at him. Sabay sabay pa sila!

Nakakunot ang noo ni Kainus habang naka tingin sa'kanila.
Bumalik ang mata nito sa'kin at lumapit. I shifted on my seat at napainom ng tubig nang umupo ito sa tabi ko.

"Pinagchichismisan niyo ako?" Tanong niya sa tatlong kaibigan. Umiling ang mga ito at nagturuan. "Backstabbers."

Humalakhak ako ng malakas at tumayo. "Bye guys." Lumabas ako sa dining room na tumatawa.

Finally! Naka bawi na din ako kay Kuya. I feel so sorry for Kuya Hale and Kuya Bentley kasi nadamay pa sila but that was my only chance! Nilingon ko sila at nakitang masama ang tingin ni Kuya sa'kin.

Veiled EchoesWhere stories live. Discover now