Chapter 2

17 1 0
                                    

Liandras POV

Bago ako umalis ng boarding house ay tiniyak kong nakasarado ang mga bintana at pintuan ng kwarto ko. Nasa pasilyo na ako at pa labas na nang may kung ano akong napansin sa sahig.

“Kanino kaya’ng picture ‘to?”

Pinulot ko ito. Tiningnan ko kung saan ito maaaring nanggaling. Wala namang ibang dumadaan dito simula noong isang araw.

Sa unang araw ng pag lipat ko dito ay wala naman akong nakasama sa bahay na ‘to maliban nalang si Aling Rita. Isa pa ay hindi pa rin sumisipot sa bahay na ‘to hanggang ngayon ang sinasabi niyang ka boardmate ko. Da-dalawa na nga lang kaming nakikituloy sa bahay na ‘to, hindi pa nagpapakita ‘yong isa. Multo siguro. Tapos si Aling Rita lang ‘yong baliw kaya ay napagkamalan niyang umuupa rin dito. Joke.

Tiningnan ko ulit ang picture na ngayon ay hawak-hawak ko na.

Picture ito ng isang batang lalaki. Parang galing sa mayamang pamilya. Kung titignan naman sa background ng picture ay nasa loob ito ng banyo at kitang-kita ang pututoy niya. Bata pa naman ‘to. Ba’t ako magugulat sa nakita e sing-liit lang naman ‘to ng hinliliit ko.

May nakasulat sa likod ng picture.

‘Your 5th birthday, my son! — 2010’

Ang tagal na pala ng picture. 2010 pa.

Kanino’ng picture kaya ‘to?

“Nasan na kaya ‘tong bata ngayon?” Nakapalumbabang tanong ko sa sarili. “Siguro ay tama nga ang hinala ko. kay Aling Rita ‘tong picture at anak niya ang batang ‘to, o, baka apo niya.”

Itatanong ko sana kay Aling Rita kung sa kaniya ba ang larawang ito pero ka aalis niya lang. Hindi niya nabanggit kung saan ang punta niya pero ang sabi niya ay bukas pa siya makakabalik dito.

Biglang bumukas nang bahayga ang pinto sa isang kwarto na nasa likod ko. Bahagya akong nagulat. Tinago ko ang natagpuang larawan sa bulsa ko pagkatapos ay marahan kong nilapitan ang nakabukas na pinto.

“M-may tao ba diyan?” Natatakot man ay nilakasan ko ang loob ko. “Aling Rita, ikaw ba ‘yan?”

Madilim ang loob ng kwarto. Siguro ay bakante na at wala nang umu-okupa nito. Binuksan ko nang tuluyan ang pinto nang may biglang tumalong itim na pusa mula sa kung saan.

“Meowwww!”

Naisalampak ko sa dingding ang sariling likod at mariing napa kapa sa dibdib dahil sa gulat.

"Meow...meowww...meoww..." Meyaw nang meyaw ang pusa. Kulay itim ito at asul na asul naman ang mata. Meyaw na nakakarinding pakinggan. Para bang pusang kinakatay o ano.

Hindi ako mahilig sa mga pusa sa totoo lang kaya ay hinayaan ko lang itong umalis sa harapan ko. Takot ako sa pusa lalo na pag maitim ang kulay. Ayon kasi sa mga myths ay badluck daw ang ganiyan. Huwag naman. Sana ay wala itong masamang meaning.

Palaisipan pa rin sa akin kung kaninong picture ‘to. Kay Aling Rita ito for sure. Kami lang naman ang nandito, maliban nalang kung nandito na ‘yong ka boardmate ko kuno; maaaring sa kaniya nga.




UNANG ARAW ko na sa pasukan. Kung pumasok lang sana ako kahapon, pangalawang araw ko na ngayon sa eskwela. Mabuti nalang talaga nauna pa akong nagising sa alarm clock. At kung hindi lang siguro umiral ang pagiging marites ko sa internet kanina malamang ay hindi pa ako gising hanggang ngayon at paniguradong male-late sa klase. Akalain mo, alas kwarto ng madaling araw gumising para lang don sa aksidente.

Dadampot na sana ako ng libro mula sa mga nakahilerang libro sa bookshelf nang may pumasok na lalaki dito sa library. Hindi siya nakatingin sa akin at parang malalim ang kaniyang iniisip.

Oh My Ghost (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon