May isang babaeng bulag na galit sa kanyang sarili, dahil siya nga ay bulag. Galit siya sa lahat, maliban sa kanyang kasintahan. Palagi siyang nandyan para sa kanya. Sabi niya kung nakikita lang daw niya ang itsura ng buong mundo, papakasalan na niya ang kanyang kasintahan.
Isang araw may nagkaloob sa kanya ng pares ng mga mata, para makakita na siya. At makita na niya ang kanyang minamahal. Tinanong siya ng kanyang kasintahan "ngayong nakakakita ka na, pwede na siguro tayong magpakasal?" Nabigla ang babae ng makita niya na bulag na ang kanyang pinakamamahal na kasintahan, at tinanggihan niya ang alok ng kanyang kasintahan na magpakasal.
May luha ang mga mata ng lalaki habang naglalakad siya palayo, at lumipas ang ilang araw. May sulat ang babae na nagsasabing "Ingatan mo lagi ang mga mata ko mahal". Mahal na mahal na mahal kita!