Chapter 30

217 3 0
                                    

"KYAAA! Nakakainis naman! Sana makita ko rin ang favorite boyband ko sa personal! UWAAAA! MBLAQ! Nakakainis! Nakakainggit ka Ces..." pagmamaktol ni Kristine, isa sa mga kaibigan ni Frances dito sa Pilipinas. Ces ang tawag nya kay Frances. Anyway, iniinggit ni Frances ang mga kaibigan nya dahil kasama nya si Donghae roon sa Korea at hindi lang yun, boyfriend na nya si Donghae! Pero syempre, di nya sinabi na magboyfriend na sila noh! Pero totoo talaga...BOYFRIEND na nya si Donghae. Boyfriend na nya ang bias nya. Sinagot na nya kasi si Donghae nung time na natanggap nya ang kanyang first kiss...ahihihihi. Kiligers lang ang peg nya...hahahaha. Si Donghae...first kiss nya?! Unbelievable! KYAAAA!

"UWAAAA! Tapos si Kim Hyun Joong, nakita mo rin ba sya sa school nyo?!" excited na excited naman na tanong ni Manilyn, isa sa mga kaibigan ni Frances. High school pa lang ay crush na crush na ni Manilyn ang isa sa mga bida ng "Boys Over Flowers" na si Kim Hyun Joong.

"Oo ga...hindi mo ga nakita yung mga pictures na pinost ko sa FB? (Batangueno accent lang. Haha)

"Hindi ga. Eh pano ko ga makikita eh nakaprivate kaya ang album mo," sagot naman ni Manilyn.

"Aish oo nga pala. Hahahaha" at nagtawanan na silang lahat. Pagkatapos noon ay samu't saring kwentuhan at chikahan na ang napagsaluhan ng magkakaibigan. Oo nga pala, inilibre ni Frances ang mga kaibigan nya ng VIP tickets para sa concert ng SUJU. Syempre excited much na sila dahil first time silang makakapanood ng sama-sama, VIP pa! Ganun talaga kapag mapera na. Hahaha. Tapos sabi ni Frances, ipapakilala raw nya ang mga kaibigan nya sa SUJU...hohoho. Grabe talaga, excited much lang.

"Hala! Oo nga pala, tarang manood ng TV! Diba ngayon din ang dating ng Super Junior dito sa Pilipinas?! Dali...panoorin natin!" wika naman ng isa pa sa mga kaibigan ni Frances na si Kim. Dahil dito ay agad na binuhay ni Frances ang TV at inilagaw sa GMA News (haha...dun mahilig magpalabas ng KPOP eeeh).

"Hindi natuloy ang pagdating ng Super Junior dito sa Pilipinas dahil sa problemang kinasasangkutan ngayon ng isa sa mga miyembro ng nasabing KPOP boyband. Sinasabing si Eunhyuk ay maaaring matanggal sa grupo dahil sa mga issue na kumalat noon sa binata at sa isang sikat na singer na nagngangalang IU. Ayon sa isang board representative ng SM Entertainment Company, walang dapat ipag-alala ang mga fans dahil matutuloy pa rin ang nasabing concert sa darating na biyernes..." wika ng isang reporter sa TV. Nagulat sina Frances sa kanilang narinig. Isa na namang breaking news ito! Anon a naman ba ang nangyari?! Bakit kung kalian masaya na ang lahat, saka pa nagkaproblema ng ganito?! Nag-aalala si Frances kina Eunhyuk at Donghae. Gusto nyang maintindihan kung ano ba talaga ang nagaganap at kung bakit nagkaganito ang lahat kaya pagkatapos na pagkatapos magsialisan ang mga bisita nila ay umakyat na sya agad ng kwarto nya at idinial agad ang number ni Donghae.

"kring...kring...kring..."

"Hello?" wika sa kabilang linya.

"Hello babe. It's me Frances."

"Frances!" gulat na gulat na sambit ni Donghae. Hindi nya kasi ineexpect ang pagtawag ng dalaga.

"Yeah...hey what happened? What happened to Eunhyuk?"

"He's been eliminated from the group..."

"What?!" di makapaniwalang sambit ng dalaga.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Mayamaya pa ay muling nagsalita si Donghae.

"Babe..." napakalungkot ng boses ng binata at pakiramdam ni Frances ay paiyak na ito. "Eunhyuk is gone...my bestfriend is gone..."

"Sssh...don't worry...I know everything will be alright..." wika ni Frances. Hindi alam ng media at ng SM Entertainment Company ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan nina Frances at Donghae. Isa ito sa mga tinatawag na underground relationship," isang uri ng relasyon na itinatago ng mga celebrities upang hindi magkaroon ng issue tungkol sa lovelife nila at upang hindi rin magkaroon ng problema sa kumpanya. Natatakot si Donghae...hindi dahil sa mayroon syang isang underground relationship kundi dahil maaaring maapektuhan ang buhay ni Frances kung sakasakaling mabibisto sila. Nakadagdag pa ng takot sa kanya ang di inaasahang pagkabisto ng relasyon nina Eunhyuk at IU na humantong sa pagtatanggal kay Eunhyuk sa grupo. Dahil sa underground relationship na yan, nawala ang matalik na kaibigan ni Donghae. Paano kung...paano kung...malaman din ng media ang tungkol sa kanila ni Frances?!

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon