Chapter 6

2.6K 90 15
                                    

Author's Note:

Beware: This work of fiction contains scenes and language that may not be suitable for all readers. Reader discretion is advised.

All characters and events depicted in this story are purely fictional. Any resemblance to actual persons, living or dead, or real events is entirely coincidental.

- r0ckyrude_

.

.

____________________________

Aries...

.

.

.

[Lani Baker as Aries Baltazar]

Ang daming nangyari sa iisang araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang daming nangyari sa iisang araw.

Una yung nangyari sa amin ni Miss Maison.

Pangalawa, nanakawan ako ng phone sa daan.

Pangatlo, pinalayas ako ni bestie sa bahay na tinitirhan ko.

.

Lord pinaparusahan niyo na ba ako agad dahil sa nangyari sa amin ni Miss Maison kanina.

Huhu.

Ngayon bitbit ko lahat ng gamit ko. Buti nalang nakabili ako dati ng malaking maleta kasyang kasya lahat ng damit at gamit ko.

Konti lang naman kasi gamit ko doon.

Maghahanap nalang siguro ako ng matutulugan sa tabi tabi.

Pero nakakatakot mamaya may gripo na ako sa tagiliran ng di ko nalalaman.

It's 8 in the evening. Eto ako naglalakad mag isa sa daan na naman..

Kung kamag anak naman pupuntahan ko, wala naman akong alam. Tanging mga parents ko lang kilala ko. Sa kasamaang palad maaga silang kinuha ni lord.

.

Hirap ng ganito mag isa ka nalang sa buhay. Hindi mo alam kung kanino ka tatakbo, kung kanino ka kakapit kung di mo na kaya.

.

Pumatak nalang ang mga luha ko. Ganito na ba ako kamalas sa buhay?

Naiinggit nalang ako sa mga nakikita kong kumpletong pamilya, masaya, may nakakausap, may napagsasabihan ng problema. Nandyan para sayo para yakapin ka.

"Aghh! Bakit ba ang malas malas kooo!" Sigaw ko sa gitna ng daan.

"Hoy! Magpatulog ka, inamo wag ka dito mag drama" sigaw ng nakahigang palaboy. Tsk! Nagdadrana lang e buwisit ka.

Hays, same na tayo kuya palaboy na din ako.

"Tseee!" Saad ko naman at binilisan nalang paglalakad.

Isang magarang kotse ang tumapat sa akin.

Bound to Marthina MaisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon