38

7 0 0
                                    

A/N: Unedited

-

Mabilis pa sa mabilis ang araw na lumipas simula nang umalis si Trev at nang magsimula na rin ako sa audition na 'yan.

Hawak hawak ko ang ilang pages ng bondpaper habang sumisimsim ng kape.

"So ayon na nga, nagra–rounds na rin ako minsan sa hospital." Rinig kong sabi ni Brix.

"Hoy Brix, kumain ka sa tamang oras ha? Adik ka pa naman minsan." Si Sy.

May kumulbit saakin kaya tinignan ko 'to.

"Ano 'yan?" Si Klay.

"Script." Ibinalik ko ang tingin sa binabasa ko.

"For?"

"Ah, hindi ko ba nabanggit sainyo?" Kumunot ang noo ni Klay.

"Na?"

"Ako ang female lead doon sa bagong movie na ipapalabas ng favorite network ko." I smirked.

Natigil sa pag–uusap 'yong tatlo at napatingin sa gawi namin. Habang si Klay naman ay natigilan at bahagya pang nanlaki ang mga singkit na mata.

"Putangina joke ba 'to?" Si Brix.

Umiling ako at itinuon ulit ang mata sa pagbabasa.

"Pakshet boss! Congratulations!!" Nakipag dap naman sa'kin si Ky.

"Oh tara inom na," napatingin ako kay Brix.

"Tangina ka rin eh 'no?" Naningkit ang mata ko.

"Joke lang!" She smirked.

They continued to congratulate me until someone poke my back.

"Sina–saulo mo pa rin?" Ah Jigz.

Sinulyapan ko siya saglit.

"Oo bakit ikaw? Kabisado mo agad?"

Ngumisi siya at umupo sa bakanteng upuan sa table namin.

"Ako pa ba?" Nagmamayabang niyang saad. Napailing na lang ako.

"Kidding, hindi pa. Pero may nakabisado ako kaunti." Tumango tango siya.

"Magkasama kayo?" Si Brix.

Ibinaba ko ang script at minasahe ang sentido bago siya sagutin.

"Oo."

Ky and Brix gasps.

"OA ha." I sipped on my drink.

"Sinong hindi?! Hoy Avi! Anong role mo doon ha?" Sy joined them.

"Male lead." They even gasp louder.

"ZiTrev lu—" I cutted Ky off.

"Lu–ano?" I glare at her.

"Lupet, ZiTrev lupett." She even make a rock n roll sign.

"Nga pala, nasaan si Pene?" Puna ko.

Lima lang kami dito sa table kulang ng isa kanina kaya may bakante.

"Busy daw, may pinuntahan eh."

Weird ha, hindi ko na siya nakikita. Tumango na lang ako at tumahimik, tahimik rin naman ‘yong isa sa gilid ko kaya hindi na rin ako nagsalita.

Nagbasa lang ako script sa buong maghapon at kinabukasan nag meet kami ng mga actors and actresses kasama ang mga production team para mapag–usapan kung kelan ang shooting, photo shoot at iba pang activities.

“Grabe pala ‘no?” Nagsalita si Jigz sa tabi ko.

We are currently walking around on our village. Katatapos niya lang kumain sa bahay namin at gusto daw magpahangin at magpababa ng kinain kaya go.

Passenger Prince (Cousin Series #1) UNDER MAJOR REVISION Where stories live. Discover now